HINDI RAW BIG deal sa isa sa main stars ng Dwarfina na pinagbibidahan nina Heart Evangelista at Dennis Trillo kung lola, mama, mommy o kahit ano’ng itawag sa kanya ng kanyang apo sa eldest son na si Igi Boy.
Tsika ni Janice de Belen, buong-puso raw na niyang tatanggapin kung sakaling lola ang itawag sa kanya ng kanyang unang apo. Basta ang mahalaga raw para sa kanya, ang magandang relasyon nito sa kanyang apo.
“Hindi pa niya ako tinatawag, e. Kasi, ‘di ba, may mga nagsasabi, ‘Ako, magpapatawag ako ng Mommy, ganyan…’ Pero ‘pag siya na ang tumawag sa ‘yo, alam mo, kahit na ano pa ang sabihin niya, okey na.
“Okey naman, I think it’s not naman how you’re called that is important. What is important is your relationship with the child, ‘di ba?
“Tawagin niya akong lola, okey lang sa akin. Tawagin niya akong Janice, okey rin lang sa akin!” tawa ng aktres. Okey lang sa akin kahit na ano. Ang importante is your relationship with the child. Usually raw kasi, kung ano ang naririnig ng sanggol sa paligid nito, siyang itatawag sa kanya, bilang lola.
“Kasi ang mommy ko, kaya ‘Mommy’ ang tawag nila sa mommy ko, e, dahil ‘yun ang naririnig nila, o ‘yun ang nakasanayan nila, at saka para hindi na sila mahilo.”
SA DINAMI-RAMI RAW ng nakausap na ni Kuya Boy Abunda sa kanyang mga shows katulad ng The Buzz, Showbiz News Ngayon at The Bottomline, ang maituturing nitong siyang pinaka-best conversations niya ay ang kanyang pakikipag-usap sa Diyos, gabi-gabi bago siya matulog .
Ayon kay Kuya Boy, sa kanyang pakikipag-usap sa Diyos, iniisip niya kung anu-ano ang kanyang nagawa to deserve all the good things and career breaks coming his way. At ang latest nga ay ang pagiging Hall of Famer nito sa Star Awards For TV sa pagkakapanalo ng 15 consecutive years bilang pinakamagaling na Male Host ng Taon sa isang Showbiz Celebrity Talk Show.
Ani Kuya Boy, “God has surprised me with so much. I ask him what did I do right that you are so kind to me? You know who I am. Despite that, why do you love me so much?”
Marahil kung ano man ang tinatamasang kaginhawaan sa buhay at sa kanyang career si Kuya Boy, dahil na rin sa pagiging generous nito sa mga taong nangangailangan ng tulong at sa kanya’y lumalapit at kanya namang tinutulungan. Ito siguro ang dahilan kung bakit nag-uumapaw ang blessings na natatanggap ng isang Boy Abunda.
NAKAKATUWA NAMAN ANG 12 years old rapper na si DJ Joph dahil imbes na magkaroon ng isang bonggang-bonggang birthday party, mas pinili pa nitong mag-selebra sa 200 children kasama ang mga magulang ng mga ito sa Barangay Mariana Covered Court , New Manila, Quezon City last Dec. 19 2010.
Isang feeding program at mini-concert ang inihanda ni DJ Joph kasama ang kanyang mga espesyal na panauhin na sina Blanktape , El Sabor at ang grupo ng kanyang kapatid, ang Le Phats na binubuo nina Joie, Vrinnel at Deb.
Tumulong din sa makabuluhang kaarawan ni DJ Joph ang barangay officials ng Brgy. Mariana na sina Brgy. Chairman Victor Lorza, Kagawad Melody Cosio, SK Chairman EG Bautista at ang kanyang very supportive mother.
Sumusuporta rin si DJ Joph sa ating mga bayaning OFW sa pamamagitan ng kanyang mga awitin na nakapaloob sa kanyang first album na mabibili na sa lahat ng record bars sa buong Pilipinas.
ISA SA BIG surprised sa recording scene last year si Alexzies na siyang nagpasikat ng awiting“Baila Señorita” na palaging napakikinggan sa iba’t ibang radio programs mapa-Am or FM, mula sa kanyang self-titled album na “Alexzies” under Sunray Music, distributed by Synergy.
Bukod sa kanyang carrier single na “Baila Señorita”, nakapaloob din sa album nito ang magagandang awiting “Kung Ako Lang sila”, “Yahoo Yehey Yippi”, “Malay Mo”, “Iboogie Mo”, “Huwag Kang Iiyak”, “Charming 2”, at “Araw-Araw Sana’y Pasko”.
Ayon kay Alexzies, gusto raw nitong maka-duet o makasama sa isang konsiyerto ang kanyang fave singer na si Gary Valenciano. Katulad kasi niya si Gary, bukod sa galing sa pag-awit ay magaling din itong sumayaw. ‘Yun na!
John’s Point
by John Fontanilla