HORROR-SUSPENSE-THRILLER ANG dating ng pelikulang The Strangers ng Qantum Films and MJM Production na dinirek ni Lawrence Anthony Fajardo which won Best Film (Posas) in the Director’s Showcase of this year’s Cinemalaya and at the Hanoi Film Festival in Vietnam. Istorya ng isang pamilya gustong magkaroon ng closure ang kanilang mga ‘di pagkakaunawaan sa isa’t isa. Bago mag-18 ang kambal na sina Pat (Julia Montes) at Max (Enrique Gil) ay nag-out of town ang pamilya at napadpad sila sa bayan ng Marcia (lugar ng mga asawang). Gugulatin kayo sa naiibang katatakutan nina Janice de Belen, Cherry Pie Picache, Enrique Gil, Julia Montes at Enchong Dee.
Palibhasa makabuluhan ang nasabing pelikula kahit horror ito kaya nakapasok ito sa darating na Metro Manila Film Festival this December. First time sina Enchong, Enrique at Julia na mapasama sa MMFF kaya’t ganu’n na lang sila ka-excited. Pagmamalaking sinabi ng tatlo na naiibang character at acting ang ipinakita nila sa The Strangers.
“Aaminin ko, ang galing namin dito. Kasi, alam ko na ibinigay namin ang lahat ng makakaya habang ginagawa namin siya,” say ni Enchong.
As an actress, pinatunayan ni Janice na kahit anong role ay kaya niyang gampanan. Hindi na rin mabilang ang mga horror films na kanyang ginawa. Six horror films in one year, that’s something, at pawang box-office hit ang mga ito sa takilya. Anong magic mayroon ang magaling na actress na palaging pasok sa mga horror films? Nagbibirong sinabi nito, “Nakakatakot ako, feeling ko kasi, in the past… before madalas akong gumawa ng horror films. Siguro okay ako du’n, hindi ako puwede sa sexy role kaya dito na lang ako nilalagay sa horror. I think, maganda naman ‘yung work ethic ko and it really counts. Siguro because I’m acting again. Tinitignan nila kung okay pa. Okay pa naman yata?”
Sinabi rin ni Janice, malayo sa mga nagawa na niya itong latest horror film niya. “Magkaiba talaga. It’s both very different from the normal things that I portray, magkaiba pa rin sila. Na -challenge ako rito kasi, kahit gumagawa ako ng horror, medyo mahirap ito. Mahirap in terms of schedule, in terms of kung saan kami nagsi-shoot. Mahirap siya, palagi kasi gabi. Naniniwala kami, may laban kahit horror film itong pelikula namin.”
Maging si Cherry Pie, napasabak na rin sa horror kahit kilala siya bilang dramatic actress. Ayon sa kanya, very challenging ‘yung role at kakaiba ang character kaya’t tinanggap niya ang project. “Actually, ang totoo, for the longest time, I think, for the past five years, puro nga drama, ganyan. Ang tagal ko nang hindi gumagawa ng horror. Hindi ko lang masabi pero mayroon akong mahirap na ginawa rito na natatawa nga ako. Matagal ko na siyang hindi nagagawa. Ang mahirap kasi sa horror, para siyang comedy, ‘di ba? Kailangang sakyan mo as an actor, sakyan mo ‘yung nangyayari para mailabas mo. Kailangan mong sakyan ‘yung trip ng director so, ginawa mo.”
Napag-ukulan din namin ng pansin ang kagandahan ni Julia nang araw na ‘yun habang nakatingin sa kanya si Enchong. Of course, hindi sila stranger sa isa’t isa. Obvious naman may something na sa kanila ng young actor pero tikom pa rin ang bibig ng dalaga at ayaw mag-comment tungkol sa real score nilang dalawa. “Siguro, marami akong naging racket, masaya ang Pasko. Masaya lang talaga ako, ‘yun.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield