ISA NA namang monumental event ang naganap nang magsama-sama sa isang episode ng Karelasyon over GMA 7 sina Nora Aunor, Lotlot de Leon, at Janine Guttierez. Ang direktor na si Adolf Alix Jr ang siyang nagplantsa ng lahat upang matuloy ang pagsasama nila.
Isang “comfort woman” ang role ni ate Guy. Anak niya si Lotlot at apo si Janine. Ang conflict ay dumating si Janine na kasama ang BF na Hapon. Du’n na magsisimula ang mada-dramang eksena, kung saan ay hindi nagpatalbog si Janine kay Nora pagdating sa kanilang mga eksena. Maraming confrontation scenes ang dalawa at ayon sa aming source, kung take 1 si Nora, take 1 din si Janine.
First time na nagpatawag ng “lola” si Ate Guy sa tunay na apong si Janine. Off cam ay napakasaya raw ng mag-ina at apo sa set. Lagi raw nakayakap si Ate Guy kay Lotlot, tanda na na-miss niya ang kanyang panganay. Tuwang-tuwa naman si Janine na natupad ang wish niya na makasama si Ate Guy at ang mama niya.
“Noon, parang ang hirap na pangaraping makakasama ko si Mommy Guy (tawag niya kay Ate Guy), kasi nga nasa ibang network siya. So, ang dream ko na lang is makasama si Mommy (Lotlot). I didn’t realize na ‘eto’t nakasama ko siya sa isang napakagandang proyekto at kasama pa si Mommy. So, ang suwerte ko lang!
“Actually, sa kanilang dalawa, ako ‘yung pinakamasaya. Ang saya nilang tingnang dalawa. Si Mommy Guy, laging nakasandal o nakayakap kay Mommy Lotlot. Lagi rin akong niyayakap ni Mommy Guy at hinahawakan ang pisngi ko. Nu’ng pauwi na siya, kasi tapos na ang mga eksena niya, niyakap niya ako nang mahigpit, pati si Mommy, at sinabing mag-iingat daw kami at ma-miss niya kami. Sabi ko naman, magkikita pa naman kami. Ayun, masayang-masaya siya.
“Pinaghandaan ko talaga ang mga eksena namin ni Mommy Guy saka ni Mommy Lot. Siyempre, I’m working with the best kaya dapat ready ako.
“Tama pala ang sabi ni Mommy kay Mommy Guy, she is sooooo sweet at super maalaga at maasikaso. ‘Wag na nating sabihin na nagkukulang siya ng time sa mga anak niya at sa aming mga apo, kasi ‘yung ilang oras na nakasama ko siya, bawing-bawi na.
“Super ang Mommy Guy ko, hindi lang siya napakagaling na artista at People’s National Artist at Superstar pa nga, ‘di ba? Isa rin siyang taong niri-respeto at hinahangaan ng lahat. Si Mommy Lot, masayang-masaya rin siya at muli niyang nakasama ang Mommy niya.”
Sa July 11 mapanonood ang naturang episode, at ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang nito.
ISA PANG malaking event ang magaganap at muling magkakasama-sama ang Pamilya De Leon, dahil ikakasal si Ian De Leon sa 3rd week ng July. Nagpasabi na raw si Ate Guy na magkikita-kita sila kasama ang mga anak na sina Lotlot, Kenneth, at Kiko De Leon. Hindi makasasama si Matet dahil ‘yun ang date ng panganganak niya. Siyempre, darating si Christopher De Leon at mother nito, at mga kapatid.
Simple lang daw ang selebrasyon at secret kung saang church dahil pam-pamilya lang ang kasalan. Buntis na ang magiging wife ni Ian, pero hindi pa raw halata kaya keri pang magsuot ng wedding gown.
Sa lahat ng ito, ang masayang-masaya ay ang mga anak nina Nora at Boyet dahil muli silang magkakasama-sama at mabubuo na napakatagal nang nangyari. Sigurado kaming isang masayang-masayang kasalan ang magaganap at ang muling pagkikita nina Nora at Boyet bilang mga magulang ni Ian.
ISANG MALAKING tagumpay ang opening night ng World Premiere Film Festival Philippines na naganap sa One Esplanade, SM Mall of Asia Complex last June 24. Dinaluhan ito ng mga filmmakers mula sa iba’t ibang bansa at ng mga direktor at artista ng Filipino New Cinema finalist under WFFP.
Para sa main competition, pito mula sa iba’t ibang bansa ang kalahok at kasama rito ang “Filisopi Kofi” from Indonesia, “Son Of Mine” from Netherlands, “Three Lies” from Spain, “Sonata For Cello” from Spain, “The Territory” from Russia, “The End Of Love” from Taiwan at “Crimean” from Turkey.
Walo naman para sa Philippines para sa Filipino New Cinema section: “Ang Kubo Sa Kawayanan” directed by Alvin Yapan, “Ang Kuwento Nating Dalawa” by Nestor Abrogena, “Felimon Mamon” by Will Fredo, “”I Love You Thank You” by Bebs Sabellano Gohetia, “Maskara” by Genesis Nolasco, ” Of Sinners & Saints” by Ruben Maria Soriquez, “Sino Nga Ba Si Pangkoy Ong” by Jonah Lim and “Piring ( Blindfold) by Craig Woodruff Jr.
The gala nights for the main competition will be held at SM Mall of Asia from June 25 to June 27 and the FNC section will be at SM The Block on the same date. Regular screenings are scheduled from June 29 to July 7 at selected SM Cinemas.
The awards night will be on the 28th, Sunday at SM MOA Premiere Cinema.
RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer