IT’S OFFICIAL: Janine Gutierrez is now a Kapamilya!
Pagkatapos ng mahigit isang dekada ng pananatili sa Kapuso Network ay tumalon na sa ABS-CBN ang award-winning showbiz royalty
Ilang buwan na rin usap-usapan na may isang homegrown Kapuso actress na lilipat na ng istasyon para sa kanyang career growth. Ang mga clues ay tumuturo lamang kay Janine.
Pinatotohanan na ang mga tsismis ngayong Biyernes, January 15 sa isang press conference na dinaluhan nina Dreamscape Head Deo Endrinal, ABS-CBN Bosses Carlo Katigbak, Mark Lopez, Cory Vidanes, Ric Tan, at ng kanyang manager na si Leo Dominguez.
Sa ngayon ay wala pang confirmed project si Janine sa ABS-CBN pero siguradong under Dreamscape ang kanyang proyekto. Ang balita namin ay may movie na rin itong gagawin either under Star Cinema o BlackSheep. Maganda na magtuloy-tuloy ang paggawa ng pelikula ng dalaga lalo pa’t nakahakot ito ng ilang awards dahil sa kanyang bonggang performance sa indie film na ‘Babae at Baril’.
Bago pa man lumipat ng ABS-CBN, isa si Janine Gutierrez sa paboritong teleserye leading lady ng GMA-7. Ilan sa mga programang pinagbidahan nito ay ang Villa Quintana, Once Again, More Than Words, Legally Blind, Dangwa, Victor Magtanggol at ang high-rating afternoon soap na Dragon Lady.
Noong November 1 pa nag-expire ang kontrata ni Janine at marami ang nabigla sa desisyon nito na lumipat ng network kahit pa hindi pa nabibigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Kunsabagay, hindi naman nawawalan ng projects sa Kapamilya network lalo na’t pinapalakas nila ang kanilang digital platforms.
May ilan din na nagrerequest na kung maaari bang si Janine Gutierrez na ang gumanap na Valentina sa Darna: The Series ni Jane de Leon. Why not?
Congratulations, Janine!