KUNG NASESEKSIHAN si Enchong Dee sa leadig lady niyang si Janine Gutierrez sa pelikulang Elise ay “hot” naman kung i-describe siya ng aktres.
Aniya, “Ever since naman, laging hot si Enchong,” sabay tawa.
“Parati siyang topless. ’Pag nagsasayaw siya, parati siyang naghuhubad,” hirit pa niya.
May love scenes sina Enchong at Janine sa Elise pero hindi raw naman ito sobrang hot.
Pero how true na feeling awkward si Enchog sa love scene niya with Janine dahil kay Rayver Cruz na napapabalitang boyfriend ng aktres?
“Na-awkward ako ng konting-konti. Sinabi ko naman ito sa kanya (Janine), eh. Parang you’re kissing the special person of your best friend,” pag-amin ni Enchong.
“But I know for a fact that he’s very supportive,” dugtong niya.
Ayon naman kay Janine, after nga raw ng eksena nila ni Enchong ay nagbiro ito ng, “I think I lost a friend,” kaya raw nagtawanan daw sila.
Dagdag pa ni Janine, walang naging problema at nakatulong din daw na naging kaibigan na niya dati si Enchong kaya kumportable siyang gawin ang love scene.
Palabas na sa February 6 ang Elise mula sa direksyon ni Joel Ferrer under Regal Entertainment.
La Boka
by Leo Bukas