VERY FRUITFUL ang nagdaang 2011 sa buhay ng baguhang aktres na si Janna Mara Tiangco. Nakagawa siya ng tatlong pelikula – dalawang indie films at isang mainstream movie, namely, Bisperas directed by Jeffrey Jeturian, Bahay Bata directed by Wardo Roy and Aswang directed by Jerrold Tarog. In-between ay nagkaroon din siya ng mga fashion show gigs sa Pagcor Angeles, pictorial shoots and mall shows. O, ‘di ba naman? Kay bago-bago ni Janna pero hindi siya nawawalan ng mga showbiz events and commitments.
This year, dalawang magagaling na direktor ang nagsabi sa ama ni Janna na si Mr. July Tiangco na may magagandang plano sila sa maganda at sariwang aktres. They are both considering Janna to launch into full stardom via major movie roles. Gusto rin ng manager ni Janna – this writer, yours truly – na makagawa si Janna ng mga teleserye sa giant TV stations this year. If things will work out, malamang na madalas na rin ninyong mapapanood si Janna this year sa mga teleseryes.
“Pursigido na po talaga ako sa pagpasok ko sa showbiz,” nasabi pa ni Janna. “Wala nang urungan. Maski may mga taong nang-aapi sa akin, go lang ng go!”
Abangan ang pangalang Janna Mara Tiangco sa taong 2012!
HANGGANG NGAYON, marami pa rin ang nang-aaway kay Lance Raymundo dahil sa kanyang kantang “Fatanas”. Hanggang sa YouTube, pinuputakti siya ng mga banat, thinking na may pinatatamaan si Lance na mga showbiz people dahil sa kanyang kanta. Pero sa totoo lang, ginawa ni Lance ang kantang iyon simply to remind people na huwag masyadong greeedy sa power, money and fame.
“May mga nagsasabi pa na si ex-President Gloria Arroyo raw ang pinatatamaan ko roon!” sabi ni Lance. “I am not hitting anyone in particular. Lalo na sa mga taga-showbiz. Kasi mga kasamahan ko sila. Bakit ko naman sila babanatan sa kanta ko, ‘di ba?”
Sa ngayon, more than 10,000 viewers na ang nag-view ng MTV song na Fatanas sa YouTube. Lance will soon do another MTV and song na bale makakasama ng Fatanas song niya sa isang CD album na iri-release niya this year under his Wolfound label. Abangan!
Showbiz Hullabaloos!
By Robert Manuguid Silverio