Na-tense ang madla nang pakasalan ni Janno Gibbs si Bing Loyzaga. Ang alam kasi ng tao, si Manilyn Reynes ang kanyang dyowa. Kayo, alam n’yo ba kung bakit nauwi sa bula ang love story at love team na tinilian ng publiko?
Sampung taong gulang lang ang Cebuanang si Mane nang unang sumabak sa aktingan. Napasama siya sa pelikulang To Mama With Love. Dahil mahusay ring kumanta, agad na inilabas ang kanyang album, ang Apple Thoughts. Dahil sa kanyang husay sa pag-arte at pagkanta, binansagan si Mane na “Star of the New Decade” sa kanyang henerasyon.
Anak naman ng aktor na si Ronaldo Valdez, itong si Janno na mahusay rin sa pagkanta at pagpapatawa. Kaya matapos ang kanyang matagumpay na singles (kasama rito ang Ipagpatawad Mo at Binibini, binansagan siyang “King of Soul”.
Nu’ng kasikatan ng youth-oriented show na That’s Entertainment, sumikat ang tambalang Janno-Manilyn. Super-tili ang fans tuwing mapapanood silang kumakanta o kaya, eh, magkasama sa isang production number. Naging magdyowa sila sa tunay na buhay at nagkasama sa mga pelikulang Payaso, Stupid Cupid, Super Inday and the Golden Bibe, Petrang Kabayo at ang Pilyang Kuting, at iba pa.
Pero talagang kumplikado ang pag-ibig. Kinumpirma kasi ng kanilang tatay-tatayan sa That’s Entertainment na pinagsabay raw ni Janno sina Bing at Mane. Kaya kahit gaano kapatok ang love team ng dalawa, bigla itong nanghina nang mabuntis ni Janno si Bing.
Siyempre, nagpatuloy lang ang buhay para kay Mane. Naging asawa niya ang aktor din na si Aljon Jimenez at nagkaroon sila ng dalawang cute na cute na boys. Ito namang sina Janno at Bing, nagkaroon naman ng dalawang lovely daughters.
by Mayin de los Santos
Photos by Ricky Alejo, Luz Candaba and Parazzi Wires