KINUMPIRMA NI Janno Gibbs na lilipat na nga si Ogie Alcasid sa TV5. Sabi ni Janno, mami-miss niya ang kaibigan sa Party Pilipinas na kasama niya every Sunday sa pagho-host.
Pero nirerespeto niya ang kaibigan at hindi pa rin naman daw mawawala ang matagal na nilang pagkakaibigan.
Sa pagkawala ni Ogie sa mga programa nito sa GMA-7, tulad ng Bubble Gang, posibleng ipalit sa mga segment nito si Janno na pagdating sa pagpapatawa ay kasing-galing din ng pag-e-emote nina Ogie at Michael V.
Nasabi na lang ni Janno, sana nga raw ay sa kanya ipagkatiwala ng GMA-7 ang mga programang iiwanan ni Ogie sa Kapuso Network.
Lalo na ngayong nalunasan na ni Janno ang sakit na pagka-late lagi sa shows dahil nagawa na niya itong gamutin.
MAY NAGALIT sa ginawang pagsisinungaling ng mga anak ni Ai-Ai delas Alas na itanggi na ikinasal ang kanilang ina kay Jed sa Las Vegas.
Pero pagtatanggol at katuwiran ni Ai-Ai, inutusan niya ang kanyang mga anak tungkol sa wedding nito sa ibang bansa sa The Buzz last Sunday.
Sa interview kasi ni Kuya Boy Abunda kay Ai-Ai at mister nitong si Jed, humingi ng sorry si Ai-Ai sa mga taong nakausap ng anak niya na nagsabing walang naganap na kasalan.
“Gusto ko kasi na kami-kami lang ang nakaaalam ng wedding. Kaya sinabihan ko ang mga anak ko na magsinungaling about the wedding. Sorry po, ako ang nag-utos kay Sancho na itanggi ang kasalan,” say ni Ai-Ai.
Sa Sunday talk show nailabas ang mga naganap na wedding ceremony habang ini-interview ni Kuya Boy ang bagong kasal na sina Ai-Ai at Jed ay ipinapakita ang kasalan na kapwa umiyak ang dalawa habang sumusumpa na magmamahal sa harap ng nagkasal.
Nilinaw rin ni Ai-Ai na totoo na-delay siya, kaya nag-akala na buntis. Gusto kasi ni Ai-Ai na magkaanak kaagad sila ni Jed. Kung hindi raw siya mabubuntis ay gagawa sila ng paraan na magkaanak para maging buo ang kanilang pag-iisang dibdib.
Habang pinapanood namin ang interview ni Kuya Boy kay Ai-Ai, kanya-kanya namang opinion ang mga taong nasa studio.
Sa mga narinig namin kung magtatagal ang pagsasama ng dalawa? Wala sa sampu ang nagsasabing hindi raw magtatagal ang dalawa at mauuwi rin daw sa hiwalayan.
Tungkol naman sa binabalak na pagpapa-kasal nina Ai-Ai at Jed sa simbahan sa December sa ating bansa, halos marami rin ang nagsasabi na huwag na raw silang magpakasal pa sa simbahan. Ilaan na lang ang magagastos sa kanilang pagsasama at maging matalino raw dapat si Ai-Ai, gamitin ang utak bago ang puso.
SANA MATAUHAN ang gumagawa ng publi-city promo ng pelikula nina Jennylym Mercado at Lovi Poe na laging sinasabi na nagkasakitan at nagkapasa-pasa sa kanilang bugbugan scene.
Kesyo nagkasakitan na raw ang dalawa. Bakit, boxing ba ang tema ng istorya ng kanilang movie?
Ang masakit pa nito, baka ginaya lang ang istorya nito sa mga dating lumang pelikula or foreign movie?
Sana gumawa ng isang istorya na talagang bagay sa magsisiganap na lead stars tulad ng istorya ng pelikula nina John Lloyd at Sarah Geronimo na hanggang ngayon ay dinudumog pa rin sa mga sinehan.
Simple lang ang istorya pero may kilig sa mga moviegoer. At higit sa lahat, bagay ang role na ginampanan ng lead stars.
Kaya hindi kami magtataka kung hindi mag-klik sa takilya ang movie nina Jen at Lovi. At sana naman ay huwag para magtuluy-tuloy ang pagpo-produce ng producer.
Samantalang kung sa iba ay palaisipan pa rin ang paglipat ni Lovi sa TV5 from GMA-7, karamihan naman ng nakakausap namin ay nagsasabi na matutuloy ang pag-oober da bakod ng actress sa Kapatid Network.
Bakit? Iisa lang daw ang manager nina Ogie Alcasid at Lovi.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo