Mang Jose also serves as the big screen reunion of Janno and Manilyn after over two decades pagkatapos sumikat ng kanilang tambalang JannoLyn during the 80s. Kasama rin sa pelikula ang asawa ni Janno na si Bing Loyzaga. Magkakasama ang tatlo noong dekada ’80 sa sikat na youth-oriented TV show ni German Moreno na That’s Entertainment.
“Sobrang tagal na naming hindi nagkakasama ni Manilyn so to be with her in this movie makes it even more special,” excited na kuwento ng singer-actor sa ginanap na virtual conference ng Mang Jose.
Dagdag pa ni Janno, “Actually, I requested Manilyn for this role. It’s a different role for her. Spoiler alert — siya po ang pinaka-main villain ni Mang Jose.”
First time ding nagkasama sa isang film project sina Manilyn at Bing na parehong na-involve kay Janno. Si Manilyn ay ex-girlfriend ni Janno na si Bing naman ang nakatuluyan.
Lahad ni Janno, “Ako rin ang nag-request for Bing. I really wanted the three of us together kasi nga hindi pa nagagawa, and I think it’s high time before kami tumanda nang tuluyan, eh, magkasama-sama naman kami sa isang movie.”
“We’re all good friends, kaming tatlo. Proof to that is puwede ko silang iwanan sa isang tent na magkasama. Eh, kasi kapag magkasama yung dalawa sa tent, puro ako ang pinag-uusapan nila, nilalait. Kawawa ako,” natatawa pa niyang kuwento.
Parehong masaya ang personal na buhay ng dating magka-love team. Kung may Bing si Janno, si Manilyn naman ay ikinasal sa aktor na si Aljon Jimenez.
Samantala, ang Mang Jose ay name ng superhero na nilikha at ipinakilala ng bandang Parokya ni Edgar bilang isang kanta noong 2005. Taglay ng karakter ni Janno ang pagkakaroon ng superpowers ng energy absorption and redirection. Siya ang tinatawag ng mga taong nangangailangan ng tulong, ngunit dapat ay may kakayahan silang magbayad.
In short, hindi libre ang serbisyo ni Mang Jose na aminadong na-challenge din habang ginagawa ang pelikula.
“Nahirapan ako sa costume as Mang Jose. Kasi sa fight scenes mabigat siya, mainit, plus yung goggles ko hindi ako masyadong makakita, so doble ang hirap pagdating sa fight scenes,” reaksyon niya.
Ang Mang Jose ang magiging Christmas presentation ng Vivamax na mapapanood simula December 24. Pero bago yon ay magkakaroon muna ng special screening ang pelikula sa pay per view ng Vivamax sa November 17, 2021.
Ayon kay Janno mixed reactions ang kanyang nararamdaman na hindi mapapanood sa sinehan kundi sa streaming platform lang ang kanyang pelikula.
“Magkahalo. It’s bitter-sweet. Malungkot kasi hindi mo makita sa malaki (big screen) talaga na sama-sama kayong nanonood. But the good side naman is puwede itong mapanood simultaneous. Kahit sa ibang bansa puwede kang mapanood na hindi nangyayari pag theatrical release,” huling pahayag ni Janno.