WHOAH! KATATAPOS lang ng art exhibit ni Janos dela Cruz na ginanap sa CCP. Sayang at hindi tayo nakarating sa exhibit noong April 3 to May 11, 2014 na may theme na “KALAMAY”. Bagamat maituturing siyang baguhan ng kanyang amang si Fil dela Cruz; ngunit, sa kanyang pananalita’y nagpapahiwatig ng kanyang sariling kaanyuan o “identity” sa larangan ng arte sa pagpipintura. Natanggap ni Janos ang Regional at Juror’s Choice Award sa nakaraang Philippine Art Awards.
Bagama’t ang kanyang kulay mula sa madilim ngunit sumusuot sa pagiging isang kulay ng liwanag ng monochromatic o earth color. Isang mapangahas na texture na mula sa ukit ng “prints” ito naglalaro. Makabago ang kanyang pananaw kaysa sa mga mid 30’s at 70’s na mga pintor na Pilipino. Isa siyang mapangahas upang ipaliwanag ang kanyang saloobin. Marahil, bunga na rin ng pagiging ‘digital’ na mga pag-iisip at imahe ng mga makabagong kabataan, lalo na at siya ay nasa larangan ng arte sa daigdig ng pintura bilang isang “pop culture artist”. Ipinakita ni Janos ang kanyang damdamin kung saan man ito umiikot. Ito ay bunga ng kanyang malikot na kultura ng kanyang imahinasyon at pagmamahal sa kanyang piniling propesyon.
Ito ang mga pahayag ng batang Dela Cruz, “Sobrang secluded ka at wala ka sa labas, naghahanap ka ng other perspective. So ‘pag sasabihin ni Papa, ano ang p’wede nating baguhin? Ano ako, nakikinig lang ako eh. Alam ko na to be a good artist, you have to have an attitude of an apprentice. Kasi kapag ikaw eh may attitude ka ng master, at the time makarinig ka nang kung ano, ng any kind of criticism, sasabihin mo, hindi… hindi, alam ko na ‘yan! Kasi it means you’re not willing to open your side up to other people’s opinion and at the same time to learn new things. From the very beginning, alam ko na ‘yung gagawin ko sa buhay ko eh.
“‘Yung first exhibition ko nga nu’ng first year ako eh, parang ano s’ya Visual Journal, it’s more of parang notebook siya. I love drawings eh. I always do that so I always have this thing making kung anong nangyari sa araw ko. I always want to document to a drawing. ‘Yun nga 364 days in a year, I sketched it all. Kaya nu’ng 3rd year ako eh, I already have enough pieces para mag-mount ng show. Ayun nakita ako ng isang curator, so nakapag-exhibit ako by the time na 3rd year ako.
“So, since that time I always had that desire na magpinta. At the start hindi, kasi feeling mo ito ay isang hobby that sells. Pero the more that I pursued sa craft ko at the more na nag-mature ako, ah… doon lumabas ‘yung mga lesson na naturo sa akin at ‘yung mga lesson na natutunan ko sa ibang tao. Katulad ng itinuro sa akin ng Papa ko, it’s better to learn from other people’s mistake.
“Kaya when I view other artists’ works I try to find ‘yung positive at saka ‘yung negative sa work and I try to implement it sa work ko. ‘Yung sa pagpipinta ko naman, there’s a quote from Van Gogh eh na sinulat niya sa brother niyang si Theo, ‘not a day without lines’, so I always try to make something creative each day because if I don’t do something creative, it’s day wasted.”
Mahaba at makulay ang aming usapan na maaaring maituloy sa susunod na pagbibigay-buhay sa mga alagad ng sining sa pamamagitan ng pinsel at pintura at mga imahinasyon.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
E-mail: [email protected] CP. 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia