INTRIGUING ang trailer ng “Hanggang Kailan?” nina Xian Lim at Louise delos Reyes na dinirek ni Bona Fajardo. Ito ang pre-Valentine offering ng Viva Films sa pakikipagtulungan ng BluArt Productions at XL8 na showing on February 6, 2019 nationwide.
Storya ng magkasintahang sina Donnie (Xian) at Kath (Louise) who’s celebrating their second anniversary. Kahit mahal nila ang isa’t isa, napagkasunduan nilang tapusin na ang kanilang relasyon. Nagbakasyon sila sa Saga Japan kahit alam nilang pareho lang silang masasaktan sa kanilang maghihiwalay.
First time team-up ito nina Xian at Louise. Highly recommended ni Boss Vic del Rosario ang hunk actor for the role as Donnie at si Direk Bona, si Louise ang choice niya to portray na role of Kath. Nang makausap namin sina Xian, Louise at Direk Bona sa mediacon, bakas sa kanilang aura na proud sila sa kinalabasan ng kanilang pelikula.
“Nang mabasa ko ang script na excite agad ako sa ganda ng istorya kaya nag- co-produced ako sa Viva Films at BluArt Productions. Kakaiba ang character ng dalawang bida, very challenging yung role nina Donnie at Kath kahit sa kanila lang tumakbo ang istorya pero may twist. Napapanahon, maraming makaka-relate sa movie namin ni Louise, very millennial ang approach,” say ni Xian.
Inamin ni Louise na na-experience niya ang pinagdaanan ni Kath ‘yung character na pino-portray niya sa movie kaya naka-relate siya. “Huwag ng pahirapan ang sarili sa isang relasyon alam mong hindi magtatagal. Mararamdaman mo naman ‘yung feeling na nawala na ‘yung love ninyo sa isa’t isa. Sa relationship kailangan ini-enjoy ninyo, pareho kayong masaya. Mahirap ‘yung may bigat sa dibdib na dinadala, kailangang pinaguusapan para maghiwalay man kayo may closure. Hanggang dun na lang talaga… I think, there is somebody for me waiting…paliwanag ng actress.
Even though hindi pa na experience ni Xian ‘yung character niya sa movie as Donnie, ng masasabi lang niya, “Bakit pa tayo magsasakitan ng puso, hindi na kailangang magpaligoy-ligoy pa… ayusin mo ‘yung priority mo sa buhay.”
Hindi kaya ma-bored ang viewing public dahil sina Xian at Louise lang ang artista ng pelikulang “Hanggang Kailan?” ? Mabilis ang naging sagot ni Direk Bona, “90 percent of the movie sa Saga Japan kinunan (17 locations, 2 weeks sa Japan, 1 week Ilocos). Bawat eksena iba’t ibang lugar ang makikita nila sa pelikula plus nag-shoot pa kami sa Ilocos, ‘yung flashback nina Xian at Louise. Nagpataba pa nga si Louise sa flashback, payat naman si Xian. Sa Japan payat si Louise, mataba naman si Xian para makita ‘yung transformation ng dalawang character. Kakaiba ang texrure ng pelikula kapag sa abroad kayo nag-shoot, glossy tingnan.”
Happy si Direk Bona sa performance nina Xian at Louise as an actors.
“Magaling sila pareho, their both professional at walang arte sa set. Hindi ako nahirapan idirek sila kaya very smooth namin natapos ang pelikula. Ibang Xian Lim ang mapapanood ninyo dito. Si Louise, ang galing niya alam niya kung ano gusto kong mangyari sa isang eksena. Si Xian tumutulong magbuhat ng equipment ng production nung time na nasa Japan kami. Mabait kaya I’m willing to support him sa first directorial job niya sa Cinemalaya. As a director, nag-workshop na siya, aalalayan ko na lang siya sa shooting,” say ni Direk Bona.
Pinaguusapan ang love scene nina Xian at Louise na super daring and bold na tumagal ng 2-3 minutes. How true ?
“Hindi naman, alam nilang mag-love scene silang dalawa. Nabasa nila ang script bago kami nag-shooting, okay sa kanila. Dalawang love scene ang kinunan ko, isa ‘yung sa Japan, pangalawa ‘yung sa Ilocos. Close door ‘yung love making nina Xian at Louise, pinalabas ko yung production staff including na cameraman. Kaming tatlo lang sa kuwarto, ako na ang naging cameraman para ma-relax sila. Gusto kong maging makatotohanan ang eksena, game naman sila pareho.
Nag-topless dito si Louise, very realistic naman ang mga anggulo kinunan ko, hindi masagawa. Ang maganda kasi, relax na sila pareho sa isa’t isa. Kaya nawala na ‘yung ilang factor, nagtatawanan nga kami habang ginagawa namin ‘yung love scene. Kayo ang mag-judge kung daring sina Xian at Louise.”
Ang balita namin, 4 hours kinunan ni Direk Bona ang love making nina Xian at Louise in different angle. Positive ang romcom director na papasa ito sa MTRCB. Katwiran niya, “Kailangan lang yun sa istorya kaya may eksenang ganun.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield