FOR THE FIRST time ay magtatambal ang Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith at Kapamilya actor na si Enchong Dee para sa bagong pelikula ng Ten17P films na pagmamay-ari ng Direk Paul Soriano na may pamagat na ‘Alter Me‘.
Mula sa direksyon ni RC Delos Reyes (na paboritong direktor nina Direk Paul at Toni Gonzaga dahil palaging sa kanya na nakatoka ang mga pelikula na pinoprodyus ng mag-asawa) at panulat ni Danno Christopher Mariquit, ito ay kuwento ng isang HR Manager (Jasmine Curtis-Smith) na nakipag-kaibigan at humanap ng mentorship sa isang escort (Enchong Dee) para mas lalong maka-konek sa mga tao at para na rin matutunan na harapin ang personal na emosyon.
Wala pang trailer ang nasabing 91-minute film, pero siguradong mapapanood na ito sa Netflix Asia simula ngayong November 15.
Mukhang lahat na halos ng proyekto ng Ten17P at TinCan Productions ay may tsansang mapalabas sa Netflix. Last August ay sa nasabing video streaming site na nilabas ang Alex Gonzaga-Xian Lim starrer na ‘Love the Way U Lie’ na dapat ay kasama sana sa 1st Metro Manila Summer Film Festival. Na-shelved ang nasabing film festival dahil sa pandemya kaya naman maganda rin na naipasok ito sa Netflix.
Maliban sa ‘Alter Me’ ay may upcoming movie rin si Jasmine Curtis-Smith with Piolo Pascual na Ten17P rin ang producer. Simula sa Nobyembre rin ay mapapanood na rin sa Netflix ang Philippine adaptation ng ‘Descendants of the Sun’ kung saan isa si Jasmine sa mga bida.
Si Enchong Dee naman ay may ongoing digital series with Erich Gonzales na sila mismo ang nagprodyus entitled ‘You. Me. Maybe’.
Congratulations Jasmine, Enchong and the rest of Ten17P!