NAPAIYAK SA sobrang saya si Jasmine Curtis-Smith sa surprise 18th birthday party na inihanda ng manager niyang si Betchay Vidanes at ni Daddy James Smith na ginanap sa Annabel’s last Monday, April 9. Napaka-private ng birthday bash ng younger sister ni Anne Curtis na maagang duma-ting kasama ang boyfriend na si Erwan Heussaff. Super sweet ng dalawa na magkayakap habang pinapanood ang video ni Jasmine na inihanda para sa kanya. Puro relatives at close friends lang ang dumalo sa nasabing event.
Ipinanganak si Jasmine sa Australia at nang mag-artista si Anne, nagbalik-bayan ang dalaga to support her mother and sister. Naging primary language ng magkapatid ay Tagalog, hindi English dahil dito sa ‘Pinas nanirahan ang mag-iina. Ayon kay Daddy James. Year 2000, nagbalik si Jasmine sa Australia para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. “All I can do as a parent, give them guidance. Let them make it their own decision but give them the health from the wisdom and information they need to be able make the decision. If I like it, support them. Give them the support that they need. From the bottom of my heart, I love you very much,” sambit ni Daddy James.
Nagbigay ng kanya-kanyang mensahe ang mga mahal sa buhay ni Jasmine. Very touching ang message na binitawan ng manager ng dalaga. “Naalala ko kay Anne noong nag-debut. Lagi kong sinasabi sa kanya na trainee kita sa lahat ng gagawin ko. Sa pagpapalaki ng anak, sa lahat. Sa unang galit na naramdaman ko, sa kanya muna. Kapag tumatakas, siya ang una kong pinapagalitan. Nu’ng si Jasmine na, sabi ko sa kanya, ‘Umm, relax na ko d’yan’. Nagawa ko na sa ‘yo lahat ‘yan, na-practice ko na pero iba pa rin pala. In fairness kay Jasmine, hindi tumatakas, nagpapaalam. Nagpapaalam na mag-i-extend ng curfew. Ang curfew niya 11pm. Sabi ko sa kanya, babawas ko ang bawat oras na mag-i-extend siya the following day. In fairness, sumusunod kaya sobra akong thankful sa mommy at daddy niya kasi, pareho silang mabait na bata. Thirteen pa lang si Anne nasa akin na. Sobra akong thankful sa dalawang ito (Jasmine at Anne),” pagbabalik-tanaw ni Mother Betchay sa nakaraan.
Isang mamahaling bracelet ang birthday gift na ibinigay ni Anne sa kanyang sister na si Jasmine. Nakausap din namin ang singer-actress, nagbigay din ito ng short message sa kanyang kapatid. “For my baby girl, you know that I love you so much. I’m so proud of everything that you have achieve. Just keep going for your dreams and love your passion. Just keep it in your heart, magtatagal ka sa industriya.”
Masaya si Anne sa magandang takbo ng showbiz career ni Jasmine. Katunayan nga, leadingman ng utol niya si David Archuleta sa bagong teleserye nito sa Singko. “Napaka-bongga nu’n. Sobra akong happy for her because you know, it’s real. If I will given a chance to work with some international status, like leadingman, ‘di ba ? I’m so proud of her, even her classmates in Australia, they say, ‘wow, David Archuleta!’ She’s in the business less than a year, and dami na niyang na-achieve,” say niya.
Palibhasa idol ni Jasmine ang eldest sister niya kaya sa maraming bagay halos magkahawig sila. Maging sa pananamit, pagsasalita pati kilos at galaw, para silang carbon copy. “No matter what people say. No matter how much they compare us, you can’t, kasi ang layo ng age gap. Buti pa kung two years lang but it’s nine years. How can you say, gaya-gaya because it’s so far from it. She has her own personality and she’s becoming a woman of her own.”
Masaya ring ikinuwento ni Anne ang Holy Week vacation niya sa Surigao. “Sobrang saya, it’s more fun in the Philippines, ba’t kailangan
pang lumayas sa bansa natin. Ang daming kagandahan and it’s untouched. Fresh ng pakiramdam, kasi napakalinis, wala pang masyadong mga resorts. Sobrang nakaka-relax siya, hindi maingay. ‘Yung beach, ang linis, at ang babait ng mga tao.”
Ano ‘yung mga bagay-bagay na ginawa ni Anne noong Holy Week? “Nagbasa ako ng Bible, story about Jesus. I mean, that’s Holy Week and it’s holy to do that.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield