MASAYANG JASMINE Curtis-Smith ang nakatsikahan ng press sa taping ng Undercover, new drama/action TV series sa Kapatid Network dahil nakapasa na siya sa Ateneo de Manila para sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa college.
Tapos, ‘eto pa ang new project na ipinagkatiwala sa kanya ng TV5 kasama sina Derek Ramsay, Wendell Ramos, Arci Muñoz at Philip Salvador na idinirek ni Topel Lee.
She was so happy dahil makapag-aaral na siya sa ‘Pinas nang tuluy-tuloy, not like before na kailangan pa niyang bumiyahe from Australia to Phillippines para sa kanyang showbiz career.
Anyway, sa bagong drama/action TV series nila ni Derek, magkakaroon sila ng love affair na kaagad naman daw tinanggihan ng dalawa. Para kay Derek, parang lalabas daw na incest kung magkakaroon sila ng romantic affair sa series.
Ayon kay Derek, bata pa lang daw si Jasmine ay magkapitbahay na sila at parang little sister na ang turing niya sa utol ni Anne Curtis.
“No way! Magkakaroon kami ng romantic affair sa Undercover? Lalabas na incest,” pagdiiin ni Derek.
Maging si Jasmine ay natawa at nailing na hindi puwede silan magkaroon ng romantic affair sa series.
“Yak!” Sabay pagngiwi ng mukha ni Jasmine na para bang diring-diri siya kung magkakaroon sila ng kissing scene ni Derek sa nasabing TV series.
“Ano ‘yan, pasa-pasahan? Yak!” pahabol pa ni Jasmine.
‘Di na rin kasi kaila kay Jasmine na nagkaroon ng short romance ang ate Anne niya at si Derek, kaya tutol din ito kung magkakaroon sila ng romantic affair sa series.
Pero dahil kapwa sila TV5 talent ni Derek, posibleng sa hinaharap ay bigyan sila ng project na magka-partner sa isang drama or soap ng Kapatid Network.
Sana raw kapag dumating ang araw na ‘yun, nasa hustong gulang na siya at gagawin din daw niya kung ano ang hihingin ng istorya bilang pagsunod sa kanilang trabaho bilang talent ng TV5.
AYON SA reliable source, nang makarating kay Kim Chiu ang pagkamatay ng kanyang ina ay nagpe-perform siya sa ASAP last Sunday.
Hindi lang matiyak ng source kung sa kalagitnaan ng show umalis si Kim o tinapos muna ang Sunday show na napapanood sa ABS-CBN. Ang sigurado raw, nang oras na ‘yun ay kaagad na pumunta ng Cebu si Kim, kung saan nandoon ang namayapa niyang ina.
Matatandaan, nang una namin makaharap si Kim nang manalo siya sa PBB noon ay hindi mo mahihingan ito ng reaction kapag ang kanyang ina ang topic. Lumaki na kasi si Kim sa kanyang lola at hindi na niya nakapiling ang tunay na ina, pero minahal pa rin niya ito sa halip na isumpa.
Kaya madarama mo kung gaano kasakit sa actress na makita at makaharap nito muli ang minahal niya na isa nang malamig na bangkay.
Mauunawaan mo naman si Kim kung bakit hindi makapagbigay ng pahayag nang makausap ng press at TV crew sa tunay na ikinamatay ng kanyang ina.
Samantalang may nalathalang balita na nag-suffer daw ng stroke at diumano na-comatose ang ina ni Kim na si Mrs. Louella Yap Chiu, 50 years old.
MABUTI NAMAN at muling ibinalik sa Sunday ang Kaps Amazing Stories ni Senator Bong Revilla sa GMA-7. Nasanay na kasi ang follower ng show ni Senator sa Kapuso na Sunday ito napapanood.
Inaabangan kasi ito ng televiewers, lalo na ng mga kabataan dahil nakapagtuturo at nakapagbibigay ito ng aral.
Maging si Bong ay relaks na relaks kapag Sunday ito nailalabas dahil alam niyang nasanay na ang mga nakatutok sa show.
Samantalang hindi na yata puwedeng umurong ni Sen. Bong na tumakbong pangulo sa 2016 election dahil siya ang napiling pambato ng kanilang partido para lumaban sa pagka-pangulo.
Nakarating din sa amin na okey rin daw kay Sen. Bong maging runningmate niya sa pagka-vice president si Bong Bong Marcos.
Anyway, matagal pa ang election at puwedeng magbago ang lahat.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo