HABANG TUMATAGAL ay lalong dumarami ang tumatangkilik at nahu-hook sa programang Jasmine na pinagbibidahan ni Jasmine Curtis-Smith sa TV5. Mapapanood tuwing Linggo sa ganap na alas-singko ng hapon at may replay ng alas-10 ng gabi, sa loob ng sunud-sunod na Linggo ay nagte-trending sa Twitter ang Jasmine.
Nu’ng June 14, ang hashtag na #WhosTheStalker ay nasa no. 1 spot sa top trending list sa buong Pilipinas. Nu’ng nakaraang June 21 naman, ang hashtag na #JasmineURLoved ay nag-trend muli nang no. 1, pero ang pinaka-breaking record sa lahat ng show ay ang hashtag na #STALKERKaKung na nag-trend no, 2 worlwide at no. 1 naman sa buong Pilipinas nu’ng June 28 na nakakuha ng 48,600 tweets at mahigit na 3,000 retweets na nagpanatili dito bilang top trending list sa loob ng 24 oras hanggang June 29.
Lalong gumaganda ang takbo ng istorya, sa twists and turns ng mga pangyayari ay ‘di mo talaga mabibitawan ‘pag nasimulan mo nang panoorin ang Jasmine. Mas higit pang naging maganda ang takbo ng sitorya dahil pumasok na ang karakter ni Robin Padilla nu’ng nakaraang linggo sa nasabing suspense-thriller serye ng Kapatid Network.
Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA