GUSTO NA raw layasan ni Jasmine Curtis-Smith ang TV 5.
Hinihintay lang daw ng manager ng aktres na matapos ang konrata niya sa Kapatid network at lalayasan na raw nito ang nasabing station.
Parang hindi raw kontento ang manager ni Jasmine sa itinatakbo ng career nito sa Singko kaya naman daw gusto na itong ilipat sa Dos ang kanyang alaga.
Actually, ang mismong manager pa raw ni Jasmine ang nagkakalat na gusto na nilang lumayas sa Singko. Waiting lang daw sila sa expiration ng contract nito.
True ba ito?
Aba, kung totoo nga ay parang walang utang na loob si Jasmine sa Singko. Lahat na lang ng major projects ay ibinibigay sa kanya tapos me reklamo pa rin pala ang kampo niya.
Eh kasi naman, bakit sa Singko n’yo pa dinala si Jasmine. Kung gusto ninyo talagang sumikat ang dalaga dapat ay sa Dos na ninyo siya dinala. Number one network ang ABS-CBN at kayang-kaya nilang magpasikat ng artista.
Actually, between Anne Curtis at Jasmine ay mas malaki naman ang potensiyal ng huli na sumikat nang husto.
If ever na lilipat na si Jasmine sa Dos ay mababantayan na niya nang husto ang boyfriend niyang si Sam Concepcion.
Also, maaaring mabuhay ang chismis sa kanila ni Daniel Padilla. Tiyak na mauungkat na naman ang nakaraan nilang kontrobersiya.
And if ever, baka bastusin lang siya ng KathNiel fans kapag nagkataon.
NAPANOOD NAMIN ang Filipinas 1941 ng Philippine Stagers Foundations ni Vince Tanada sa Adamson Theater recently.
Written and directed Vince himself, tungkol ito sa magkapatid na magkaiba ang personality. Vince plays Felipe, isang mahina ang kukote na guy samantalang ang younger brother naman niyang si Nestor played but Patrick Libao ay matalino. Nagtapos na valedictorian si Nestor habang naging magsasaka naman si Felipe. Naging successful businessman naman si Nestor.
Mahaba ang musicale, more than two hours pero nakakaaliw namana ng iba’t bang characters. Magaling sina Cyndi Liper bilang Emilia at Adelle Ibarrientos as Sophia. Equally competent din sina Vince at Patrick.
More than 300 performances na ang nasabing musicale, the second biggest since Bonifacio: Isang Sarwuela na pinaka-successful na obra ng Philippine Stagers Foundation dahil more than 400 performances ang nagawa nila.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas