MAGKAIBA ANG personality at outlook sa buhay ng magkapatid na Jasmine Curtis Smith at Anne Curtis. Tingin namin, mas malalim at sensitive actress si Jasmine compared to her elder sister Anne na more daring, walang pakialam. At first, walang interest si Jasmine na mag-showbiz, unlike her sister Anne na started at the early age. Gusto lang niyang magtapos ng college at makapagtrabaho sa Australia.
Pero nang magbalik-Pinas si Jasmine at may offer ang TV5, tinanggap niya dahil sa kagustuhang maibili ng car ang mom niya. Hindi namalayan ni Jasmine na ini-enjoy na niya ang acting profession. The environment of acting, interaction with different people. Hanggang nagkasunod-sunod na nga ang offers to do TV commercial at movie project.
Memorable kay Jasmine ang first acting award niya sa Cinemalaya 2013 as Best Supporting Actress sa indie film na Transit. Naalala pa nito nang mag-audition siya sa nasabing pelikula na prinodyus ni Direk Paul Soriano. Nandu’n yung kaba nang mag-go-see ito, sharing her experiences. Pagkatapos sabihan si Jasmine ng thank you, lumabas na siya ng kuwarto. Hindi namalayan ng dalaga, kasunod niya sa likuran si Direk Paul at kinausap siya.
Pinagbasa ng script si Jasmine ni Direk Paul, just to make it sure na kaya ng dalaga ang character na gagampanan nito. Na-impress ang director. Dito na nag-umpisa gumawa ng indie film ang magaling na actress. Kung tatanungin si Jasmine, mas gugustuhin niyang to do indie film than mainstream. Challenging daw, kasi mas nai-explore niya ‘yung passion niya sa acting. Walang formula na sinusunod, kakaiba ang istorya at challenging ang role ng bawat artistang magsisiganap. Hindi raw tulad ng mainstream, kailangan ‘yung magugustuhan ng masa at milyones ang budget para kumita ang isang pelikula. Natural daw ‘yun para bumalik ang investment ng producers.
Nangangarap din si Jasmine na makagawa ng mga makabuluhang pelikulang hahamon sa kakayahan niya as an actress. Puwede ring maging daring ang dalaga kung kinakailangan. Depende raw ‘yun sa istorya at eksenang kukunan. She love watching movies lalo na mga indie films. First day showing pa lang, nakapila na ito sa mga sinehan. Excited nga ang dalaga tuwing may indie film festival sa Metro Manila. Hindi niya ito pinalalagpas kapag hindi rin lang hectic ang kanyang showbiz schedule.
Active si Jasmine sa kanyang World Vision. Ayon sa dalaga, tuwing magbi-birthday ito, nag-i-sponsor siya ng bata for WV. Nag-start niyang gawin ito two years ago. Bale pang-third kid na this year ang ini-sponsoran niya. Kuwento nga ng actress, nu’ng time na nasa Australia pa siya, she was involved in the 40-Hour Famine. Halos hindi na siya kumakain. She sacrifice television and internet for 40 hours. They raised money for charity, alam niya ang layunin ng WV, how they work as an organization. Nang malaman ng World Vision Philippines ang ginagawa niyang charity work, they decided to make Jasmine Curtis Smith an ambassador. The relationship just build up and grew from there.
At the age of 20, may sarili nang bahay si Jasmine, kalilipat lang nito sa kanyang dream house. “It feels good to be independent,” she said. Para sa kanya, malaking responsibilities ang maging independent pero exciting. Feeling niya, nagma-mature na siya kaya kailangang magtrabaho, hindi lang para sa sarili, pamilya, pati na rin sa kanyang World Vision kids.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield