Last Saturday, November 19, naka- schedule kami na panoorin ang pelikulang “Baka Bukas” sa Gateway Mall.
Alas-tres pa lang ng hapon, sold-out na ang 7:20 p.m. screening ng pelikula na pinagbibidhan ni Jasmine Curtis-Smith sa direksyon ni Samantha Lee, at tungkol sa “friendhip” nina Jess at Alex. Kuwentong tomboyan, ‘ika nga.
Lesbianism daw ang peg ng pelikula na for the first time, ang pa-tweetums na si Jasmine ay very daring sa kanyang role sa pelikula, kung saan ay nakipagtukaan siya sa kapwa niya babae sa pelikula.
Noong gabing ‘yun, kasama ni Jasmine ang boyfie na si Jeff Ortega, na ewan ko kung ano ang feeling ng boylet niya na noong gabing ‘yun na binaha ng mga sister na mahilig din sa mga sister ang sinehan.
I just wonder kung ano ang reaksyon ni Jeff sa tag ngayon kay Jasmine as “Pantasya ng mga Lesbian”.
Nu’ng naglabasan ang mga nanood, nakita kami si Jasmine at lumapit sa kinauupuan namin. Akala nga niya ay nakapanood kami. I told her na sold-out ang tikcets noong hapon pa lang.
She told us na happy siya sa feedback ng publiko, na during Saturday screenings, bumaha ng mga lesbo na kasama ang girlfriends nila.
At last night (Sunday, November 20) at the Awards Night of Cinema One Originals, happy to learn na pinarangalan si Jasmine as Best Actress for “Baka Bukas”. Nagwagi rin as Audience Choice (with P100,000 cash prize) ang pelikula niya.
Congrats, Jasmin!
Reyted K
By RK VillaCorta