HISTORICAL FILM ang MMFF entry ni Robin Padilla na Bonifacio: Ang Unang Pangulo. Pero ang role ni Jasmine Curtis-Smith sa pelikulang ito ay wala sa nakaraan kundi nasa present generation.
Mga estudyante ang role nila nina Daniel Padilla at RJ Padilla na nagri-research tungkol sa buhay ni Andres Bonifacio.
“I think my role here is lighter compared to what I’v done before,” ani Jasmine. “Pero maganda ‘yong breather na ‘yon kasi ang hirap naman na puro na lang mabibigat ‘yong ginagampanan ko.
“Sa nakita ko sa trailer ng pelikula, ‘yong pagkakagawa in terms of lighting at ‘yong camera, pati ‘yong pagposisyon ng mga angles at shots. Ano siya, e… very high-end. Kumbaga, sobrang polished niya. Sobrang ganda ng pagkagawa na nakaka-excite na mapanood siya.
“Kasi siguro, ang takot ng tao ngayon kapag gumagawa ng pelikula is kung magkano ang gagastusin. Pero dito, hindi natakot na gumastos ‘yong produksiyon. Para talagang true to life ‘yong mapapanood, sobrang devoted lahat ng taong gumawa ng pelikulang ito. Para mapaganda ‘yong pelikula.”
Hindi man siya nagkaroon ng eksena with Robin, may pagkakataon naman daw na kasama nila ito sa location.
“Sinuportahan po niya kami gaya no’ng nag-shooting kami nina Daniel at RJ. Nando’n siya, nakatutok din po siya. Lagi niyang kausap ‘yong director naming. So, talagang sobrang involved po ni Tito Robin sa pelikula.”
May pressure ba dahil may malalaking entries din sa MMFF gaya ng pelikula nina Vice Ganda at Vic Sotto na makakabangga nila hindi lang sa awards kundi sa takilya rin?
“Of course, may pressure din po. Pero ang maganda po sa grupong ito is that… at the ned of the day, ang gusto lang naman po naming ibigay sa mga tao ay ‘yong totoong istorya ni Andres Bonifacio. Which is… siya ang unang pangulo. Na hindi siya nagtraydor sa bayan kaya siya ipinapatay.
“At saka ang alam din naman ng tao is that… ang unang Pangulo natin ay si Emilio Aguinaldo. Pero dito ay maipapaliwanag kung bakit si Andres Bonifacio talaga ang nauna. At ni-research pa po talaga ‘yan nina Tito Robin. Talagang pinag-aralan nila ‘yong buhay ni Bonifacio.
“At kahit naman may pressure na may malalaking pelikula kaming kalaban na may malalaki ring pangalan sa cast, ano lang, e… more than kita, more than box office hit, it’s more of sharing the good news about the life of Andres Bonifacio. Malaking parte siya talaga ng rebolusyon ng Pilipinas. More than what we learn in school.”
Naging sweet ba si Daniel sa kanya noong panahong nagsu-shooting sila? “Hindi po. Ano lang… kaibigan.”
Hindi ba sila nailang sa isa’t isa dahil sa naging kontrobersiyal na audio recording issue kay Daniel na dawit nga ang pangalan niya? “Ay, hindi po. Kasi pagkatapos naman po no’n, kaming lahat na na-involve do’n sa issue na iyon, sinubukan naming kausapin ang isa’t isa para malinaw na ‘yon.”
Walang naging anumang pagbabago sa samahan nila ni Daniel matapos ang audio recording issue? “Sa akin po wala naman. Wala namang nagbago sa kung paano ko kausapin si Sam (Concepcion, her boyfriend) or kung paano ko kausapin si Daniel. So, maayos naman lahat sa akin.”
Si Daniel, hindi ba nailang na makasama siya sa trabaho matapos ang audio recording issue? “Parang hindi naman po. Okey lang naman po siya. Magaan lang. Steady lang.
No’ng kasagsagan ng issue, anong sinabi ni Sam sa kanya? “Ano lang po… siyempre tinanong niya ako kung ano ba talaga ang nangyari. No’ng nagkuwento ako, ayon naman… nakinig naman siya sa akin kung ano ang mga sinasabi ko. So, maayos talaga. As in wala, nilagpasan lang naming siyang gano’n.”
Pinag-usap ba niya sina Sam at Daniel? “Sabi ko na lang… kung paano niya (Sam) gustong i-handle, sa kanya na ‘yon. Pero sa pagkakaalam ko, parang nagkausap sila nang saglit no’ng nakaraan sa isang event na magkasama sila.”
Okey na sina Sam at Daniel? “Mukha naman po,” nakangiting matipid na sagot ni Jasmine.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan