Jason Abalos, bida sa LGBT-themed serye ng GMA

Jason Abalos

IN FAIRNESS, ang ganda ni Jason Abalos sa bihis babae niya sa afternoon serye ng GMA Kapuso Network na Asawa Ko, Karibal Ko kung saan he plays the role of a transgender.

First time ni Jason mag-portray ng gay or transgender woman role bilang Nathan.

Bongga ang casting ng new afternoon serye ng istasyon na tumataguyod sa positibong imahe ng LGBT kung saan sa mga LGBT-themed serye nila tulad ng My Husband’s Lover nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo at Destiny Rose ni Ken Chan na humataw sa ratings game kalaban ng show ng kabilang istasyon.

Kuwento nga ni Jason, noong una nahirapan siya sa role niya physically, lalo na ang pagbibihis babae at ang pagsusuot ng five inches na stiletto.

“At first, hirap ako lumakad. Natatapilok ako,” natatawang kuwento ng aktor.

Ang maganda sa show, ingat na ingat ang production team lalo na ang director na si Mark Sicat dela Cruz at ang kanyang creative team na hindi magkamali sa pagpe-present nila ng isyung LGBT na makakasakit sa damdamin ng rainbow community.

Cast of ‘Asawa Ko, Karibal Ko’

One nice thing about GMA Kapuso Network, malaki ang respeto ng istasyon sa mga LGBT community reason kung bakit pinapahalagahan din sila ng mga LGBT supporters at viewers nila.

Sa new show na mapapanood after Eat Bulaga at magsisimula sa October 22 ay makakasama nina Jason at Kris Bernal sina Rayver Cruz at Thea Tolentino; Lotlot de Leon, Devon Seron Jean Saburit at Ricardo Cepeda.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleKris Aquino to Mayor Herbert: ‘He’s been there whenever i needed a friend’
Next articleAga Muhlach, hindi nag-retire sa kanyang acting career

No posts to display