Hindi pa sigurado ni Jason Francisco kung itutuloy nila ni Melai Cantiveros ang demanda sa basher na supporter ni Duterte na nagbigay ng controversial comment sa anak nilang si Baby Mela.
“Well, hindi pa po natin alam kung ano ang puwedeng mangyari. Siguro puwedeng mag-usap sila (Melai) in person…
“Hindi naman kami ganu’n ka-ano… puwede namang hindi matuloy, eh, kaya lang, ang gusto po kasi niya (Melai) ay makita ng tao kung gaano kahalaga ‘yung epekto ng bullying, ‘yung parang ganu’n. Para ‘yung iba aware, ‘di ba? Lalo pa ngayong nakikita siya sa TV, marami siyang palabas.
“Lesson na rin siguro ito sa iba na hindi dapat nagsasalita nang ganu’n at saka hindi po ‘yun maganda talaga,” pahayag ni Jason.
Kung siya raw ang masusunod, ayaw na niya sanang ituloy ang demanda, lalo na nu’ng nalaman niyang domestic helper ‘yung nam-bash kay Melai at sa kanyang anak.
“Kasi iniisip ko rin po yung tao ay DH, parang katulong po ‘yun ‘di ba sa ibang bansa. Siguro po… saka po ‘yung isa (Melai Cantiveros) hindi po ‘yun mahirap na kausap. Ayoko naman po na anuhin ‘yung tao, siyempre nagtatrabaho rin siya. Open-minded naman po kami, nakikinig naman kami sa iba.
“Ang gusto lang po namin ay awareness sa lahat na. Pero kung patatawarin po, open po ‘yun, kasi kawawa rin naman. Alam mo naman, ang tao nagkakamali talaga kaya kailangan din ng second chance,” paliwanag pa niya.
Napanonood si Jason Francisco sa “My Super D” at si Melai naman sa “We Will Survive” at sa morning talk show na “Magandang Buhay” kasama sina Jolina Magdangal at Karla Estrada.
La Boka
by Leo Bukas