NAGMISTULANG PARANG FANS day ang pagpunta ni Jason Ivler sa QCRTC para sa pagbasa sa kanya ng korte. Naghihiyawan ang mga fans at mga emplayado ng QCRTC nang dumaan si Jason habang nakasakay sa stretcher. Mukhang maayos-ayos na rin ang lagay ni Jason kumpara noon na medyo sariwa pa ang mga tama ng bala nito sa katawan. Nandoon din sa naturang hearing ang ina ni Jason na si Marlene Aguilar at ilang mga kamag-anak at kaibigan para magpakita ng suporta kay Jason.
ISA-ISA NANG NAGPUPUTAKAN sa ere ang mga artista tungkol sa pinalabas ng COMELEC na mag-take ng leave ang mga artistang nang-eendorso ng mga pulitiko ngayong halalan kung ayaw nilang makulong. Hindi matanggap ng mga artistang ito ang nilabas na ito ng Comelec kaya nagpupulasan ang mga ito at nagpapahayag ng kanilang pagkadismaya at pagtangging sumunod. Sinusunod naman daw nila ang patakaran ng kanilang mga home networks na ‘wag gamitin ang kanilang mga programa sa pangangampanya.
Pati ang mga kulay ng damit ay nagiging isyu na rin. Noong linggo naka-dilaw si Kris, at nitong Martes naman, e, naka-orange si Willie at pinagpalit ng damit matapos ang opening. Ibig sabihin, hanggang sa matapos ang kampanya ay hindi puwedeng magsuot ng naturang mga kulay ang mga artista.
Nag-react na nga ang mga artista at nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa naturang balita. Sa katunayan, nagsabi pa ang iba na handa silang makulong kung ang kapalit naman nito ay pagkitil sa kanilang karapatan ng malayang pamamahayag. Sa SNN sinabi pa ni Boy na handa niyang samahan si Kris sa kulungan kung ipakukulong sila dahil sa ginagawa nilang ito.
Malinaw na nagkakaisa ang mga artista sa kanilang layunin at mensahe na wala silang nilalabag na batas at ayaw nilang matapakan ang kanilang freedom of speech.
Nagpalabas naman ng official statement ang ABS-CBN tungkol sa isyung ito:
“The call for ABS-CBN talents who endorse candidates to go on leave during the campaign period is not required by the Fair Election Act or its implementing rules and regulations. Section 36 of Comelec Resolution No. 8758 in relation to Section 1(4) thereof and the Fair Election Act merely requires that media practitioners such as talents “shall not use his/her time or space to favor any candidate.” In this regard, it is ABS-CBN’s policy that its talents may not use any program to endorse or promote any candidate. This policy is strictly enforced by the network.
“The provision of law cited by the PPCRV and Comelec that requires media personalities to either resign or go on leave applies to employees only. Talents are not employees of the network and, therefore, the said provision does not apply to them.”