KUNG PAG-UUSAPAN ang pagka-panatiko sa basketball, isa na yata ako na nangunguna sa listahan. Halimbawa, sira ang araw ko kung matatalo ang LA Lakers sa laro sa kasalukuyang NBA season. ‘Pag panalo, lahat ng tao nais kong halikan at yakapin.
Bakit ka ganyan, Lolo? Patawang tanong ni Anton. 16-anyos kong apo. Dahil ‘di ko rin alam ang sagot, hahaplusin ko na lang siya sa ulo. Sabay pakun-
waring ngiti.
Nu’ng 70s, MICAA ang pinakasikat na koponan ng basketball. Maigting na naglalabang teams bawat season ay YCO, Mariwasa, Ysmael, 7-UP, Great Taste at Meralco. Bawat laro ng mga team, patok ang takilya sa Rizal Memorial Stadium sa Vito Cruz. Kaiba ang uri ng basketball noon sa opensa at depensa. Six-footer ang pinakamataas na manlalaro. Pinakamapanalong koponan ay YCO at Ysmael. Mga basketball greats ay pinangungunahan nina Robert Jaworski, Renato Reyes, Jake Roxas, Alberto Reynoso, Bogs Adornado, etc.
‘Yun din ang golden decade ng laro sa ating bansa. ‘Di iilang beses tayong nag-champion sa ABC Conference na pinaglaruan ng Korea’s greatest player Shing Dong Pa.
Nagsawa akong manood ng local basketball nu’ng pinalitan ng PBA ang MICAA nu’ng 1989. Dito nag-deteriorate ang uri ng laro sa bansa nang pinabayaang maglaro ang Fil-Am players. Ngayon, ang PBA ay nilalangaw na koponan.
Sa NBA ako bumaling. At bakit LA Lakers? Sa loob ng 70 taon ng koponan, ang Lakers ang nagdomina kasama ang Boston Celtics. Basketball greats like Kareem Jabbar, Magic Johnson, Shakil O’Neil at ngayo’y Kobe Bryant ay nasa pintig ng paghanga ng mga worldwide aficionados. Of course, nariyan si Michael Jordan, isa ring pinagpipitaganang icon. Pagkatapos manood ng isang NBA game, ang PBA games ay mahahalintulad na lang sa isang slow motion movie.
Aminin na ang basketball ay ‘di kayang magbigay sa bansa ng kauna-unahan nitong Olympic gold medal. Wika nga ni basketball great Caloy Loyzaga: “You can teach old basketball techniques, but you cannot teach height.”
SAMUT-SAMOT
NAKABABALISA NA ang pamahalaan ay walang nakalatag na program sa kapakanan ng OFWs na binansagang bagong bayani ng bansa. Economically afloat tayo dahil sa remittances nila. Halos araw-araw, nababalita ang mga kaawa-awang OFW na inaabuso at minamaltrato at pinapatay sa kanilang pinagtatrabahuan. Subalit napakabagal, kung mayroon man, ng ating legal at financial assistance. Si P-Noy, ‘di prayoridad ang suliraning ito. Salamat at mga private sector ay sumasaklolo. Sa halintulad nila si Toots Ople, anak ng yumaong Senador Blas Ople. Pambihira ang kanyang pinamamalas na pagmamalasakit kasama ang grupo ng Migrante at NGOs. Sa pamahalaan, wala silang maaasahan.
TILA WALANG katuturan ang palagiang transport strike dahil sa pagtaas ng presyo ng langis. Nakatali rito ang kamay ng pamahalaan. At wala tayong control sa pagtaas ng world oil prices. Ang nagiging kaawa-awang biktima ay mga mamamayan na nahihirapan pagsakay tuwing may strike. Maaaring isang paraan ay i-regulate ang oil prices. Kailangang isabatas ito.
DAPAT DING tutukan ang proliferation ng fake drugs. Kamakailan sa mga raid ng NBI sa Pampanga, isang malaking bodega ng fake drugs ang nasakote. Malaking pinsala sa kalusugan ang fake drugs na maaaring nagkalat na sa maraming botika sa Kamaynilaan at lalawigan. Makakabuting bumili ng gamot sa kilalang malalaking drug outlets kagaya ng Mercury Drug.
PINAKAMALALIM NA spiritual experience ko ay Cursillo. Sa Pagsanjan, Laguna, decuria ni St. Andrew ako sumailalim sa tatlong araw na cursillo nu’ng 1965. ‘Di iilang dekada ang nakararaan. Ngunit ang alaala ng 3 gabi at 3 araw na pinamalagi ko sa cursillo house ay nakaukit pa rin sa aking puso at kaluluwa. Paano ko malilimutan ang mga Palancas, Rollos, at Mañanita? Sa kalaliman ng hatinggabi, naalala ko ang mga ito. At ‘di ko mapigil ang patak ng aking luha. Luha ng kaligayahan. At luha din ng pagsisisi. Patuloy pa rin ang paglalakbay ko sa buhay. Ang pakikibaka sa maraming temtasyon at pang-uusig. Ngunit ang cursillo ay parang isang malakas na tinig sa aking budhi. Nagsasabi: Trust in God. Fight. Finish the race.
ABA, SINO’NG nagbusal sa dati-rating madadang bunganga ng ‘sang Press USec? Maalaala na siya ay sinabon dahil sa mga sunud-sunod na kapalpakan sa pronouncements ng Palasyo. Sabi ng ‘di iilan, buti nga at nabusalan ang Lady Gagang ito. Pampabigat, puro perhuwisyo ang dating. At ang kanyang ngiti, ngiti ng isang nagugutom na ipis. Alis d’yan!
SINUMPONG NA naman ako ng labis na pag-iihi dahil sa diabetes. Hanep na kalbaryo. Bago mag-umaga, limang beses akong tumatakbo sa banyo. Dala rin ito ng labis na pag-inom ng tubig bago matulog. Kaila-
ngang control ang diabetes at pag-inom ng tubig. Sabi ng aking Misis, lakasan ang loob at sumunod sa payo ng manggagamot.
The Pillar
by Pilar Mateo