ISA SA mga istoryang naging unang handog ng pinakabagong talkshow ng TV5 na Ang Latest noong Sabado, August 4, ay ang kuwento diumano nang paghihirap na ng singer-actor na si Jay-R Siaboc. Isa na nga lang daw sa pinagkakaabalahan nito ngayon sa Cebu ay ang pagiging tricycle driver.
Dinayo pa ng Ang Latest si Jay-R sa kanilang bayan sa Cebu upang malaman ang katotohanan tungkol sa isyung ito. Malungkot na binalikan ni Jay-R ang araw na siya ay naging active pa noon sa showbiz after niyang maging first runner-up sa sa Pinoy Dream Academy.
Aniya, “Siyempre enjoy na enjoy ko ‘yun. Kasi una, masarap ‘yung pinapalakpakan ka ng tao talaga, eh. Tapos gusto mo ‘yung ginagawa mo.
“Napundar ko, like yun, nakabili ako ng kotse, tapos bahay namin, medyo napaayos ko nang konti.”
Naging masalimuot ang takbo ng karera ni Jay-R nang palagian siyang laman ng balita tungkol sa diumano’y palagi nilang pag-aaway noon ng kanyang ka-live in na si Irish Fulerton.
Dahil dito, naapektuhan na diumano ang kanyang trabaho kaya naman lumamlam unti-unti ang kanyang bituin hanggang sa tulu-yan nang nawalan ng trabaho.
Kuwento pa niya sa Ang Latest, “Bigla akong nawala sa showbiz, siguro sabihin na lang natin, ako naniniwala sa pana-panahon lang, kasi parang ganu’n na lang talaga, minsan may trabaho ka, minsan nagustuhan ka, minsan hindi ka nagustuhan.”
Tungkol naman sa usaping nalulong daw ito sa bisyo, mahigpit itong tinutulan ng singer.
Pagtanggi niya, “Hinding hindi po totoo ‘yun na nawala ako sa showbiz dahil nalulong ako sa bisyo. Tanggap ko na may mga ganu’ng isyu talaga, kasi halos ganu’n karamihan, eh. Porke’t galing ako sa ganito, tambay nga, ganu’n, ganu’n.”
Nilinaw na rin ng show kay Jay-R ang tungkol sa diumano’y paghihirap na niya kaya raw pati pagmamaneho ng tricycle ay kanya nang pinasok.
Pero pagtanggi nito, “Hindi po totoong nagta-tricycle driver po ako, at saka po, unang-una, hindi po ako marunong magmotor.”
Dagdag pa nito, “Buhay ko ngayon, masa-sabi kong medyo okay naman. Siyempre hindi kasing okay nu’ng nandu’n ako sa Maynila nu’ng may ginagawa pa akong trabaho. Pero ngayon, meron akong out of town shows, paminsan-minsan, may mga kakilala ako, na iniimbita ako.”
Isa namang rebelasyon ang kinuwento ni Jay-R, ang diumano’y masama niyang karanasan na kanyang napagdaanan. Ito raw ang dahilan kung bakit nawalan siya nang gana na ipagpatuloy ang kanyang trabaho.
Pag-amin niya, “Isang bagay na nagpapasuko sa akin sa showbiz sa Maynila, hindi ko kaya ‘yung ano… sorry kung puwede ko bang sabihin, dumi ng trabaho. Nasasaktan ako, kasi alam kong ‘yun lang ang pag-asa ko, kaso hindi ko nga makayanan, ‘di ko alam kung bakit.”
Sa ngayon daw, handa na si Jay-R na mu-ling bumangon sa pagkalugmok ng kanyang ka-rera at handa na rin siyang harapin muli ang mga hamon ng buhay.
Pangako nito, “Handa na ako sa anumang dumi or kahit anong laro sa Maynila. Dapat marunong kang… ‘yung just go with the flow, kung saang lugar ka, marunong kang makibagay, ma-runong kang maglaro. Nagpapasalamat ako sa mga taong patuloy na sumusuporta sa akin, sa kakayahan ko, pagiging ako. Hayaan n’yo po, mas gagalingan ko pa po, at mas ipapakita ko pa sa lahat kung sino ba talaga ako.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato