HOW TRUE NA nagwala sa dancefloor ng isang bar si Jaymee Joaquin?
Dance-to-death daw ang hitad at sobrang in-enjoy ang upbeat music. Ang ikinaloka ng lahat, humiga pa raw sa danceloor si Jaymee, na tunay namang ikina-shock ng mga taong naroroon.
At hindi raw talaga nagpaawat si Jaymee, super yakag nito si John James Uy sa dancefloor. Type na type daw itong isayaw ni Jaymee. Amused na amused nga raw ang John James sa tila aggressive stance ni Jaymee sa kanya.
Sabi namin sa kausap namin, baka naman na-miss lang ni Jaymee nang husto ang sumayaw. She was probably just enjoying the night.
Hindi raw.
Well, baka napasobra ng inom ang hitad.
MAY DRAMA PALA itong si Richard Gomez kapag iniinterbyu siya.
Nang sabihin kasi naming gusto naming siyang kapanayamin, may-I-ask pa siya kung ano ang pangalan namin at kung saan kami nagsusulat.
Yes, may ganoon siyang drama. Nangyari ito sa presscon niya ng Family Feud.
Anyway, nagbalik tuloy sa aming alaala ang sinabi niya sa amin noon na hinding-hindi siya tatakbo sa eleksyon. That was many years ago, noong nasa Manila Times pa kami nagsusulat.
Ang naaalala pa naming sinabi niya, bakit daw siya tatakbo, para maglustay ng kanyang milyones? Sabi pa niya, ang gagastusin niyang milyones ay ibibigay na lang niya sa kanyang anak na si Julianna.
Now, Richard is singing a new and different tune. Tatakbo na siya uli sa pulitika matapos matalo nang dalawang beses. This time, sa Ormoc naman siya tatakbo.
O, well, people change and they are entitled to change their behavior from time to time.
Need we say more?
TINAWAGAN NAMIN ANG office ni Quezon City Vice Mayor Herbert “Bistek” Bautista para kunin ang pahayag niya tungkol sa nasulat namin dito na nagbitaw siya ng salitang ayaw na niyang maging tuta.
May nakausap kaming babae sa telepono at magalang naman kaming nagpakilala na kami ay taga-Pinoy Parazzi. Ruby ang name ng girl na nakausap namin. Sinabi niyang wala sa kanyang office si Vice Mayor Bistek at tumawag na lang kami sa hapon.
Anyway, to be fair, bukas ang pahinang ito sa anumang pahayag ni Vice Mayor Bistek tungkol sa issue.
AMPON LANG PALA si Blakdyak. Ang maganda, hindi siya bitter sa buhay.
Nagbiro pa nga ang novelty singer na sasabihan niya ng “Hi father! Hi mother!” ang kanyang ama’t ina kapag nakita niya ito.
Lumaki si Blakdyak na hindi kailanman nasilayan ang kanyang mga magulang.
“Seven days pa lang ako nang iwan ako sa kinagisnan kong ina na ang trabaho ay nag-aalaga ng bata. Sabi raw ng nanay ko, “Ining, iwan ko muna sa iyo si Joey (Blakdyak). Nag-iwan pa nga siya ng isang litrato at isang lata ng gatas,” kuwento ni Blakdyak sa album launching niya ng Blakdyak’s Tribe, Sino Ba?.
Idinaan na lang ni Blakdyak sa kanta ang paghahanap niya sa kanyang ama’t ina. “Sino Ba?” ang title ng song niya tungkol sa kanyang search for his parents. Pinabulaanan din ng novelty singer na naghihirap na siya. Mayroon siyang buy and sell business at nakatira siya sa P7.5 M na bahay na hinuhulugan pa rin niya hanggang ngayon.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas