MOTHER’S DAY KAHAPON, nabati n’yo ba nang bonggang-bongga ang mga madir n’yo? Ang lola n’yo? Ang tita n’yo? I hope so.
Ipinasyal n’yo man lang ba sila sa mall? O, nagkaroon kayo ng salu-salo with them? O, nagpakabait kayo para maging happy ang mother n’yo sa Mother’s Day?
Hehehe! I know how it feels to be a parent. Kahit sa amin din, me bumabati ng “Happy Mother’s Day Ogie!” Pero ito’y ina-appreciate namin kesa maramdamang naiinsulto kami.
Aba, para batiin ka ng Happy Mother’s Day, ibig sabihin, ramdam nila na naging ‘nanay’ rin kami, ‘no?! Hehehe! Ihalik n’yo kami sa inyong mahal at dakilang ina, ha?
SAGLIT LANG KAMING nakapanood ng Walang Tulugan nu’ng Sunday morning. Ginanap ito sa isang mall sa Dagupan kung saan isineselebreyt din ang Bangus Festival.
Hindi namin alam kung gano’n lang talaga kagulat ang mga tao sa kanilang panonood, pero ba’t gano’n? Tahimik lang silang nanonood? Walang masyadong tumitili at literal na parang nanonood lang ng sine.
Walang karea-reaksiyon. Ano kaya ang ibig sabihin no’n? Dapat kayang mas palakasin pa ng GMA 7 ang pagiging Kapuso ng mga taga-Pangasinan?
ALAM N’YO BANG na-stroke pala itong si Jason Gainza sa taping ng Banana Split? No, not last Thursday.
Sa pagkakaalam ng aming source, nu’ng first taping day na kasama sila nina John Prats at Zanjoe Marudo sa bagong Banana Split.
Nu’ng una’y nagsabi si Jason ng “Pare, nanghihina ako.” Hanggang sa tumikom ang palad ni Jason, kaya isinugod siya nang bonggang-bongga sa St. Luke’s Medical Center.
“Alam mo ba, Mama Ogs,” patuloy ng aming source, “Pagdating doon, tsinek siya sa ER, alam mo, sobra pala ‘yung hangin niya sa tiyan kaya siya inatake. Kabag pala!”
No, hindi nagpapatawa ang aming source. Ang sobrang hangin sa loob ng tiyan ni Jason ang dahilan kaya na-stroke ito sandali.
Si Jason pa naman ang isa sa nagdadala ng Banana Split dahil sa panggagaya kay Kuya Boy Abunda. Kaya ingat-ingat, parekoy!
MALUNGKOT ‘PAG NAGKAKASAKIT ka, sa totoo lang. Mas malungkot kapag nalaman mong may “Big C” ka as in “cancer.”
Naging panata na namin na once a year ay mag-line produce ng concert para sa Philippine Foundation for Breast Care, Inc., kaya kahit wala kaming “Big C” ay nagmiyembro kami rito para maging tulay o instrumento para madugtungan ang buhay ng mga pasyente, lalo na’t blessed ka, dahil wala kang gano’ng uri ng karamdaman.
Kaya sa pangatlong pagkakataon, mayroon kaming binuong concert para sa Kasuso Foundation, ang “Big C… as in Concert and Comedy” na back-to-back concert nina Sheryn Regis at Erik Santos together withFrenchie Dy at Vice Ganda.
Sa Biyernes na ito, May 15 at 9PM sa Metro Comedy Bar. Kaya sa mga gustong sumuporta at tulungan ang mga pasyente lalo na ang mga indigents sa pamamagitan ng pagbili ng ticket (P500 lang isa), tumawag lang sa 09228398878.
Kaya laking pasasalamat din ng Kasuso Foundation sa presentor nitong PCSO at PAGCOR, in cooperation with Gluta-MS, Beaulife Powertrin L-Carnitine and Green Tea Extract, Kopi Roti, Baang Coffee at Sen. Miguel Zubiri.
Salamat din sa Pinoy Parazzi sa suporta sa publicity.Hehehe!
Oh My G!
by Ogie Diaz