JC de Vera, ayaw patulan ang isyu sa kanila ni LJ Reyes

ISA SI JC de Vera sa rumampa sa nakaraang Cosmo Bachelor Bash 2013 last Tuesday sa World Trade Center kung saan nagpakita siya ng kaunting bahagi ng kanyang ‘butt’. After the show, inusisa ng media si JC tungkol sa balitang may namumuo raw ‘special relationshiop’ sa kanila ni LJ Reyes.

May mga lumalabas na balita lately na diumano ay depress daw si Paulo Avelino dahil may dini-date nang iba ang ina ng anak nitong si LJ at ito nga ay si JC. Hindi man masyadong malinaw ang isyu, may nakapagsabi sa amin na diumano ay naglasing itong si Paulo dahil sa isyu.

Pero itinanggi ni JC na dini-date niya ang dating kasamahan sa GMA-7.

Maiiksi ang sagot nito sa tanong ng media tungkol sa kanila ni LJ. Friends lang daw sila at okay naman daw sila ni Paulo.

Saad pa niya, “Ayokong patulan ‘yung issue, for… ito lang… ito lang… this time lang ako sasagot at hindi ko siya papatulan kasi wala akong dapat sagutin.”

Ganu’n!

NAG-REACT ANG Megastar na si Sharon Cuneta at idinepensa ang asawang si dating senador Francis Pangilinan na nabanggit sa privilege speech ni Senator Jinggoy Estrada noong Miyrkules ng hapon na diumano ay may mga napondohan ding NGOs nu’ng nasa posisyon pa ito at hindi binusisi ito sa kasalukuyang imbestigasyon ng blue ribbon committe hearing. Marami pang mga senador at mambabatas ang pinangalanan si Senator Jinggoy sa kanyang halos isang oras na speech.

Sa kanyang twitter account na @sharon_cuneta12, sinabi ni Sharon na handa siyang magbigay ng pera sa makapagpatunay na may naibulsang pera mula sa kanyang PDAF ang asawa at handa raw siyang iwan ito.

Tweet niya, ‘HUH? WHAT? WHEN? WHERE?!!!! Hahahahahaha if it weren’t so hurtful it would be so funny!!!! Hala MAKALABASAN NA TALAGA DAPAT PARA MAGKAALAMAN NA KUNG SINONG IILAN LANG SA SENADO NA MATITINO.’

Hamon pa niya, ‘If anyone reading this can prove to me that my husband has stolen any amount from his PDAF in his 12 years as senator, I will give you P10 million in cash and I will leave my husband. That is how confident I am. Sorry, HINDI KAMI MAGNANAKAW.’

Dagdag pa niya, ‘HINDI KAMI TULAD NG IBA NA KATA IPAKAIN SA MGA ANAK NAMIN ANG PERANG DI AMIN O DI NAMIN PINAGHIHIRAPAN. HINDI PARE-PAREHO ANG LAHAT NG POLITIKO. DAHAN-DAHAN LANG. DAPAT MAG-UMPISA NANG MAGLABASAN ANG TOTOO NGAYON.’

Pahayag pa niya, ‘It is not as hard as people may think. Kung nakukulangan sila sailang papeles o anuman— isa-isahin niyo ang pinagbigyan ni Kiko ng PDAF. Ask the Baranggay Captains (puwera ako kahit na ako si Madam Chairman! Hahaha) and kung sino-sini pa ang nabigyan. At nang makita ng lahat na walang BOGUS na organisasyon o foundation o sinuman, anuman na napuntahan ang pera kundi mga tunay na govt organizations, legitimate organizations. Ganin lang naman yon. NOW, I HAVE SAID ALL I HAVE TO SAY ABOUT THIS.’

Dagdag pa ni Sharon, ito na daw ang huli niyang pagsasalita tungkol dito. ‘ KAHIT TANUNGIN AKO NASAGOT KO NA DITO, SO AYOMO NA MAGSALITA TUNGKOL DITO AFTER THIS. MAG-INGAT TAYONG LAHAT. SA PAGSALI SA MALINIS NA PANGAKAN NG IBA PARA MALIHIS SA TOTOONG ISSUE! Thanks for reading this. Im working now even if I have been wanting to go into semi-retirement na, because my husband has oly his law firmand his farm & his shares in some restaurants that our friends are experts at running to derive income from, and I have lots of utang to pay for. With all due respect to Kiko, kaya ako nakakapagyweetna akin ang bahay na yan, na ito, na yon, ay di para magyabang kundi para masagot ang ilang malisyosong tanong, at malaman ng tao na sa hirap at dugo’t pawis ko naggaling—HINDI DAHIL himalang YUMAMAN kami nung naging senador ang asawa ko. Ayan.. kasi di kami nagnakaw eh! E di sana may bahay na rin ako sa New York at Paris. Tsk tsk tsk…THE END!’

Sa huli sinabi ni Sharon na “Okay , back to work na ako!:-) Moving on na po!!!! Basta malinis ang konsensya , masaya!!! Thanks for your time. :-)”

Kaloka!

Sure na ‘to
By Arniel Serato

Previous articleAng pagbangon ng Zamboanga at ang arm struggle
Next articleRayver Cruz, nagpakain ng saging sa baklang audience!

No posts to display