HINDI PALA totoong nag-propose na si JC de Vera sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Rikkah Alyssa Cruz. Mali raw ang intindi ng netizens sa pinost niyang photo na nag-akalang ito ay isang “proposal photo.”
“Nagpa-picture lang kami for our page kasi… Sinabi ng lahat (na proposal) yon, pero hindi,” paglilinaw ng aktor na isa sa mga bida ng pelikulang Love is Love na showing on Dec. 4.
Dagdag ni JC, “Kasi meron akong barkada talaga na photographer and we needed that photo para ilagay sa page namin so yon yung pinost ko. Kaya nga ang caption ko lang is “for the shot” kasi yon yung pangalan ng company nung photographer – Stellar – that’s their tagline, eh, “for the shot” kaya yon yung nilagay kong caption.”
Masaya naman siya sa reaksyon ng marami sa photo.
“Masaya ako, masaya ako kasi yon yung sa tingin nila and we’re also looking forward to it and alam din naman namin na pupunta kami doon. Pero wala pang specific, probably… basta pinag-uusapan pa lang.
“Ayokong pangunahan yung sarili ko. I mean, ayaw naming pangunahan ang lahat, gusto namin very well prepared kami. Right now we’re preparing, marami kaming malalaking ventures na darating this 2020.
“Outside showbusiness marami kaming pini-prepare, so alam mo yon, lahat yon pinag-uusapan namin kasi yung asawa ko businesswoman siya at ako rin so marami kaming pinaplano pa,” lahad pa ni JC.