KAKALOKA NAMAN! KAHIT pala na-renovate na at may bago nang establishment sa dating puwesto ng Barrakz Bar eh, may iniwan pa pala itong unsettled issues among the investors sa nasabing resto-bar.
Kasi nga, mga celebrities ang nagsi-sali rito para maging part-owners. Ang nakakaloka lang, bigla na lang itong nagsara na marami pala sa kanila ang walang kamuwang-muwang kung ano ang nangyari sa financial standing ng nasabing business.
Sabi ng ilan sa kanila, gaya ng aktor na si JC de Vera, pumupunta naman pala siya every once in a while sa nasabing bar kung saan part-owner nga siya. Pero kapag pala nagtatanong o nag-uusisa ito at humihingi ng reports sa nagaganap sa nasabing bar na pag-aari rin niya, ang isa raw sa partner nila ang dume-deadma lang sa kanya kapag nagtatanong na si JC rito ng mga kaganapan sa kanilang bar.
At dahil mukhang nagkabaun-baon nga sa utang ang diumano’y na-mismanage na bar, pakunswelo na lang daw na P20K ang ibinibigay sa kanila ng siya mismong namamahala sa nasabing bar.
Kaya ang solusyon daw eh, i-auction na lang ang mga kagamitan sa nasabing bar at ‘yun na ang magiging settlement sa mga inventory at equipment sa nasabing
establishment na nagkakahalaga ng P 3 0 0 k .
At ang very vocal about this dahil wala kumbagang bumalik sa in-invest niya ay si JC de Vera. Kaya naman kasama siya sa mga stockbrokers nito na hindi pumirma sa nasabing settlement.
Eh, kung ganyan pala ang problema involving ‘yung very high price ng in-auction, nagtataka si JC kung bakit wala pa ring nagsasabi sa kanya about the financial standing ng nasabing bar.
Taguan?
HANGGANG TAKE EIGHT lang dapat ang ‘kiss’ na kinunan sa mga eksena ng Superstar na si Nora Aunor at Governor Jorge ‘ER’ Ejercito sa first shooting day nila para sa El Presidente.
Pero dahil mabusisi ang kani-lang direktor na si Tikoy Aguiluz, siniguro nitong maayos ang lahat ng kukunan niyang eksena sa kasal nina Maria Agoncillo at General Emilio Famy Aguinaldo.
In fairness, ha? Ang agang dumating ni Ate Guy sa set ng nasabing pelikula. Tinutupad lang daw niya ang binitiwang pa-ngako na magbabago na siya. Kaya naman sa call time na 11 a.m., 10:30 a.m. pa lang eh, on the set na ang Superstar at hinintay ang nag-People’s Day pa sa kanyang constituents sa Laguna na si Governor ER.
At ang call time ng umaga eh, kinagabihan pa kinunan.
Ang importante, nakasalang na ang Superstar sa nasabing first shooting day.
Did we hear it right na more than a million na agad-agad ang ginastos ni ER at ng kanyang partner sa produksyon for the first shooting day alone?
Eh, magkano pa uli ang magagastos in the shooting days to come? Ang taray!
The Pillar
by Pilar Mateo