Dusa rin pala ang maging recording artist.
‘Yan ang naranasan ni JC de Vera nang magiging recording artist siya.
Ini-release ng Ivory Music released ang first album niya, ang “Stellar” at itsinika ni JC de Vera ang matinding hirap na kanyang pinagdaanan bilang first time recording artist.
“Lahat po hirap. Honestly, ano po talaga, very hard ang journey because first meron kaming limited time. I only have five recording days in the album. I had one, two weeks to conceptualized everything like kung ano ‘yung genre, kung anong type of song na ire-record, kung ano ‘yun feel ng bawat song. We started conceptualizing before Christmas, December 22. ‘Yung first recording ko January 3. Ganoon siya kabilis ginawa kaya I have sleepless nights, 24/7 na nag-iisip ako kung ano ang gagawin, kung ano ang talagang gusto kong mangyari.
“Sobrang saya ako sa outcome ng nangyari kasi sabi ng Ivory meron akong freedom to do what I want, to be hands on,” say ni JC sa album launch niya recently.
Kasama sa album ang “Langit Na Rin”, “Heaven Knows”, “Pakiusap”, “Nabihag”, “Galaxy of Love”, “One Night, One Kiss”.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas