MASASABI natin na isa sa biggest hits of 2017 ang Pista ng Pelikulang Pilipino 2017 entry na ‘100 Tula Para Kay Stella‘. Ito ay pinagbidahan nina JC Santos at Bela Padilla mula sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana. Isang buwan lang naman tumagal sa mga sinehan sa buong Pilipinas ang pelikula at box-office hit din sa mga bookstores ang novel version at ang poetry book ni Bela na ‘100 Tula ni Bela’.
Kahit hindi sila officially loveteam sa telebisyon ay sinuportahan ng madlang pipol ang kanilang ‘fresh’ tandem. Marami rin ang nakarelate sa kuwento nina Fidel at Stella. Uso pa rin talaga ang mga pelikulang todo ang hugot at wala talagang forever.
Early this year ay may ginawa rin silang pelikula with different partners. JC Santos was paired with Ryza Cenon sa Mr. and Mrs. Cruz ng Viva Films while si Carlo Aquino naman ang naging leading man ni Bela Padilla sa Meet Me in St. Gallen. Parehong masakit ang ending ng dalawang pelikula at pareho rin nagwagi sa box-office.
Maliban sa balikang JC-Bela sa big screen, si Jason Paul Laxamana rin ang sumulat at direktor ng “The Day After Valentine’s”, na hula namin ay hahabulin ng Viva Films para isali muli sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 ngayong Agosto. Kung ang ibang artista at direktor ay kinakarir ang MMFF, mukhang ang trio na ito naman ay balak maging consistent topgrosser sa PPP.
Intriguing ang mga pictures na pinost ni Direk Jason Paul sa kanyang Instagram. Nafifeel namin na hugot movie ulit ito at bet namin na parang mas domineering ngayon ang karakter ni JC compared to Bela.
Will the new JC-Bela project work? Abangan na lang natin!