Nakilala nang husto si JC Santos bilang si Ali sa ABS-CBN’s “Till I Met You”. Gumanap siyang bading sa seryeng ito na pinagbidahan nina Nadine Lustre at James Reid. Pero bago sumikat sa serye ng Kapamilya Network, naging produkto si JC ng Dulaang UP at naging tampok sa mga play na Bilanggo ng Pag-ibig, Ibong Adarna, As You Like It, Hinabing Pakpak ng Ating mga Anak, at Orosman at Zafira.
Ayon kay JC, first love niya ang teatro kaya excited siya sa muling pagsabak dito. Mapanonood siya sa “Buwan at Baril sa Eb Major”. Sa panulat ni Chris Millado at direksiyon ni Andoy Ranay, ito ang unang handog ng Sugid Productions.
Ang play ay may limang eksena, “Manggagawa at Magsasaka”, “Pari at Babaeng Itawis”, “Socialite”, “Asawa, at Police Officer”, at “Estudyante”, na magpapakita kung ano at paano naapektuhan ng Martial Law ang buhay ng iba’t ibang tao. Ang iba pang casts nito ay sina Cherry Pie Picache, Jackie Lou Blanco, Angeli Bayani, Ross Pesigan, Crispin Pineda, Danny Mandia, Reymund Domingo, at iba pa.
Kasama si JC sa part na “Pari at Babaeng Itawis” with Angeli. Ano ang role mo rito?
Sagot ni JC, “I will be playing bilang isang pari noong panahon ng evacuees at ipinagtatanggol ko po ang mga tribo ng Itawis na pinalalayas sa lugar nila.”
Nabanggit din niyang nahirapan siyang mag-adjust sa pagbabalik-teatro. “From the theater to films and TV, nakapakalaki ng transition. From acting with your body and acting with your eyes, and then going back to performance again, acting with your body and then playing it emotional and playing it in truthful way… So, napakahirap po ng proseso and so far, hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin siya eh, nahihirapan pa rin po ako. Siguro sa opening na lang ako makababawi.
“Nasanay ako ng six months na nasa TV, nasa taping lang ako lagi at hindi ako lumalabas sa teatro. Sobrang laki kasi ng transition, sobrang laki, ibang-iba siya.”
Itong follow-up project mo after “Till I Met You”, masasabi mo bang kakaiba dahil bukod sa balik-teatro ka, from gay ay pari ka naman dito? “Una sa lahat, siyempre ay first love ko po talaga ang theater. Siyempre work po ang TV at films, but at the same time, you are doing acting, eh. So, malaking bagay po ‘yung ibinigay, ‘yung idea ng popularity. Ngayon po ay nakikita ng mga tao ang trabaho ko, na gusto ko talagang gawin and masaya po ako na puwede akong mag-reach out, using the popularity. So that I can reach out to the kids right now, para ma-inform sila, ma-educate sila, ma-affect sila…”
Second time na raw niyang makatatrabaho si Angeli na sinabi rin ni JC na isang brilliant at napakagaling na aktres. “Second time na ito, iyong first was sa “Lulu”, sa Dulaang UP noong 2009. Dito ko rin unang nakatrabaho si Direk Andoy, pero as co-actor.”
Game ka bang gumanap ulit sa gay role? “Oo naman po, wala namang problema maski na ano’ng role ang ibigay sa akin. Basta gusto kong gawin ‘yung role lalo na’t challenging, okay sa akin ‘yun. Kasi, gustong-gusto ko ‘yung mga role na tipong, ‘Papaano ko kaya ito aatakihin, paano ko ito gagawin?’ So, kahit anong role wala naman pong problema sa akin iyon,” saad pa ni JC na idinagdag pang wala na raw sigurong mas magiging daring pa sa ginawa niya sa indie film na Esprit de Corps with Sandino Martin.
Anyway, ang militanteng play na ito ay nagsimula na last January 26 at tatakbo hanggang February 12. Mapanonood ito sa Alfonso T. Yuchengco Auditorium sa Bantayog ng mga Bayani Center. Ang kumpletong schedule ng mga pagtatanghal ay ang mga ss: January 26, 27, 28, 29 (3pm and 8 pm), February 2, 3, 4, 5, 9, 10, 11, 12 (3 pm and 8 pm). Magkakaroon din ng Special Gala sa February 3, 8 pm. For ticket