Ibinahagi ng isa sa main actor at ka-love triangle nina James Reid at Nadine Lustre sa “Till I Met You” na si JC Santos na nag-audition siya sa role ni Ali at hindi raw naging madali sa kanya ang makuha ang nasabing role.
Kuwento nga ni JC, “Yes, I auditioned for this role. By usual ordinary audition days, kahit ano pong mauna, kasi doon lang naman ako, kung anong ibigay sa akin na project.
“There’s this one day na in-invite po ako para mag-audition for this role and then nilatag po sa harapan namin kung ano ‘yung requirements, marami kami. Two days po siya, e.
“Tapos noong second day, ibinigay na po sa akin ‘yung script, nandu’n si Direk Tonet (Jadaone).
“Nu’ng time na ‘yun, ine-expect ko, okay na ako kung aawayin ko lang si James Reid. This time, gulat na gulat po ako, hindi ako makapaniwala na isa ako sa mga bida,” pagtatapos ni JC.
Sabrina, all originals ang bagong album
Mula sa successful acoustic album na “Sabrina, I Luv Acoustic” na ‘di lang sa Pilipinas bumenta nang husto, kung hindi maging sa Thailand, Malaysia, Indonesia, Korea, at Japan, na umabot pa sa pitong album under MCA, isang all-original album naman ang hatid ni Sabrina sa kanyang fans, ang “Sab”.
Katulad nga ng kanyang mga naunang album, iri-release din ito sa iba’t ibang Asian countries.
“Ang original plan talaga ng MCA ay i-release lang ito sa Pilipinas, pero nang i-post ko sa social media ko, maraming fans ko sa Indonesia at sa ibang bansa ang nagtampo at nasabi na bakit hindi i-release sa country nila?
“Kaya naman napagdesisyunan ng MCA na i-release na rin ito sa iba’t ibang Asian countries katulad ng mga nauna kong album. Actually, released na rin ito sa mga bansa kung saan ni-release din ‘yung ‘I Luv Acoustic’.
“Ang pagkakaiba nga lang ng album ngayon, lahat ng kanta, original. Bale ako ang sumulat ng 7 songs, ‘yung isa lang ang hindi, ang gumawa lang naman si Diane Warren.
“Sana katulad ng pagsuporta nila sa mga nauna kong album, sana suportahan din nila ‘yung bago kong album,” pagtatapos ni Sabrina.
John’s Point
by John Fontanilla