Ang naturang pelikula ay local adaptation ng South Korean hit movie na ipinalabas noong 2009. Kasaman bida ni JC sa pelikula si Yassi Pressman.
Patuloy ni JC, “Nasa line up ko pa rin siya just in case, kasi matumal ngayon. Parang mahirap talaga ngayon. Kumbaga, maraming plans of shooting pero wala actually nangyayari minsan. Tapos minsan, nauusog dahil sa mga protocol.
“If worse comes to worst, may plano. If ever, hindi pa alam kung this year or next year. Eventually, we’ll see.”
Binalak na rin noon ni JC ang magpunta naman ng Hongkong para doon na manirahan.
“Ako nagplano na akong tumira sa ibang bansa, as in nag-decide na akong mag-stay sa Hong Kong kasi akala ko mag-aasawa na ako no’n. I was 25 then and eventually may nangyari. Tapos nanaig yung pangarap. Plano ko nang mag-stay doon na parang hindi na ako babalik ng Pilipinas kahit kailan,” pagre-reall ng aktor.
“Mabuti na rin lang hindi natuloy. Buti na lang din hindi natuloy,” dagdag pa ni JC.
Talking about his character bilang si K sa More Than Blue na isinakripisyo ang kanyang sariling kaligayahan para sa ibang tao. Aminado ang aktor na hindi niya kayang gawin ang ganun at hindi rin siya ganun katapang.
“Ako, hindi ako ganun katapang para gawin yung decisions ni K. I’m gonna enjoy every moment until the last, parang ganun. Ibang klaseng pagmamahal kasi yung ginawa nung karakter ko sa film, yung magpaplano ka na ng future para sa iba.
“Ewan ko, siguro baka pag nando’n na ako I might probably do the same pero for now hindi ko siya maisip,” pagbabahagi niya.
More Than Blue will be available for streaming starting November 19 on Vivamax.