JC Tiuseco, mahilig manilip ng billboard ng iba!

KUNG PAGIGING PERENIALLY late ang inirereklamo kay Janno Gibbs ng kanyang mga katrabaho, at pagkamaarte naman sa kanyang isusuot na damit ang kay Iwa Moto, ibang uri naman ng professional turn off ang inaasal ni JC Tiuseco.

May ineendorsong produkto si JC, pero ang nakabalandrang billboard sa kahabaan ng EDSA ay isa niyang fellow endorser. Ang kaibahan nga lang, ‘di hamak na mas sikat ito kesa kay JC. Despite this “given,” panay raw ang pangungulit ni JC sa kanyang manager na sabihin daw sa may-ari ng produktong ‘yon na isama rin siya sa billboard.

Sa isang teleserye naman ng GMA, support lang ang papel ni JC kay Mark Herras. Antimano, kahit noon pang binabalangkas ang kuwento ng serye ay maliwanag na hanggang du’n lang ang role na gagampanan ng aktor.

But as usual, nginangarag na naman daw ni JC ang kanyang manager, pilit na ipinakakausap dito ang pamunuan ng netwrok para isama rin siya sa billboard, kahilera ni Mark at ng iba pang nasa major cast.

Kung tutuusin, hindi pa bumibilang ng maraming taon si JC sa showbiz buhay nang manalo sa kauna-unahang Survivor Philippines. JC became an actor by accident, palibhasa may hitsura not necessarily with a talent to boot. Kumpara kay Mark na sinisilip niya ang billboard (gayong discretion naman ‘yon ng adprom ng GMA) and whose showbiz career is already five years old since he became the first Starstruck winner, kumbaga sa bungang-kahoy ay bubot pa si JC.

Magpahinog ka muna, ‘Dong!

NAGYONG ARAW ANG grand presscon para sa kauna-unahang five-in-one horror movie ng Star Cinema, ang Cinco. Very obvious na parts of the human anatomy ang mga pamagat ng limang episode, pero itinahi ‘yon sa iisang tapestry making it the first ever creepy film in the local movie history.

Mga virtually young breed din ang limang direktor whose fresh dynamic minds go way beyond cinematic traditions. Cinco, being the first in the hair-raising, blood-curdling genre challenges the viewers’ imagination.

But not all films of this kind are but tili and sigaw. Sa dulo ng kuwento, the obligatory moral lesson is vindication. Kakaiba sa karaniwang nakatatakot na pelikula, as previously noted, para ka lang nag-five-in-one Jimm’s coffee na paborito ng nanay ko mula sa nahaharbat ko kay Gladys Reyes!

BLIND ITEM: KILALANG mahilig kumain ang sikat na aktres na ito, halata naman kasi sa kanyang pigura na mahihiya marahil ang weighing scale. Isa sa mga paboritong lantakan ng aktres ay ensaymada what with its shredded cheese on top and sugar granules sprinkled all over it, pero may itinira pa siyang isa bago natulog.

Nag magising, marahil ay umariba na naman ang kanyang hunger pangs, kung saan-saan niya hinanap ang natirang ensaymada, hanggang sa tinawag na niya ang kanyang anak who may have eaten it. Dahil hindi naman siya ang kumain, itinanggi niya. Kamukat-mukat mo, ang aktres din pala ang lumantak. Nagkalat kasi ang sukal sa mukha niya. Yes, eating while sleeping.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleJohn Prats, ‘di na ininda ang pag-amin ni John Lloyd kay Shaina
Next articleDusa talaga ang hearing sa kaso nina Hayden Kho at Katrina Halili

No posts to display