Kung zero ang love life ni Jennica Garcia ngayon, bonggacious naman ang sa mommy niyang si Jean Garcia.
“Hindi po ako naiinggit sa kanya. Happy nga po at kinikilig dahil marami po talaga siyang suitors. Marami siyang mapagpipilian. May elder sa kanya, meron ding younger at ka-edad lang niya,” kuwento niya sa presscon ng Ina, Kasusuklaman Ba Kita?
“Of course, I don’t hate her, ‘di tulad ng title ng sineserye namin. Happy nga po ako, lalo’t magaling siyang magdala at organized na organized talaga ang buhay.
“Me naman po, inaamin kong bata pa talaga ako para makipagrelasyon. I tried naman. I mean, I fell in love po (with Mart Escudero), hindi naman nag-prosper. Hindi kasi kami marunong magdala ng relasyon. Kapag nag-aaway, nangangapa na kami. When we broke up, hindi nag-iimikan. Buti nga po ngayon, may communication na kami. Kahit paano, hindi na po kami nag-i-isnaban kapag nagkita o nagkasalubong kami. Naka-move on na talaga ako. Sabi nga po ni Mommy, nagde-date na rin ngayon si Mart sa iba, so, naka-move on na rin siya.”
Wala rin daw siyang balak na magkaroon uli ng karelasyon after Mart. “Huwag n’yo pong sabihin na corny, pero mas type ko pong marami-rami at magkakasunod ang project ko dahil mas mahirap hagilapin ang trabaho kaysa love life,” aniyang natatawa sa sarili niyang pahayag.
Totoo naman kung tutuusin ang sinabi ni Jennica. “Masuwerte nga po ako dahil naging therapy ko ang work. At nakatambal ko pa si Dennis Trillo sa Adik Sa ‘Yo. Natuto akong mag-comedy at parang lumaki ang mundo ko. Na-appreciate ko nang todo ang past projects ko sa Regal Entertainment. Ang Shake, Rattle and Roll, One True Love, which were blessings talaga, because not all newcomers get big breaks at the start of their career. Thanks also to my manager (Manny Valera) na nag-effort talaga para sa akin. I owe him naman those chances kaya, behave ako ngayon. Wala naman po silang naging problema sa akin during the break-up. Pero, dahil nga po bata pa ako, siyempre, naapektuhan ang emotions ko.
“When I did that project with Dennis (Trillo), ang sarap ng feeling. Nakaya ko ang comedy. Sabi ng mommy ko, mas mahirap daw gawin ang comedy kaysa drama. I agree. Pero ngayong ginagawa na namin ang Ina Kasusuklaman Ba Kita?, I’m back to zero uli. Hirap na naman ako. Kasi nga po, role ni Ms. Lorna Tolentino ang napunta sa akin. Napanood ko po ang pelikula. Ibinigay po sa amin ang na-burn na copy nito. Ang ganda at ang galing-galing po ni Ms. Lorna.”
At kung kinakabahan si Jennica para sa kanyang sarili, naniniwala naman siya na kayang-kaya ng mom niya ang acting ni Ms. Rita Gomez.
“Napakaganda po ng project. Same din po ang role ni Ms. Gomez. Award-winning nga daw po ang pelikulang iyon na prinodyus ng Seiko Films.”
Assurance din para sa mag-ina ang pahayag ni Ms. Lilibeth Rasonable. “When we got the rights from Gilda Olvidado, we had nobody in mind but Jean and Jennica. Kinuha namin ang project na ito para sa kanila. Wala kaming ibang choice kundi silang mag-ina lang. We fully trust them and I know they will deliver.”
Para sa mga writers na active pa ngayon at naging saksi sa kadakilaan ni Ms. Rita Gomez bilang aktes noon, malaking hamon para kay Jean ang role na alam nilang tanging ang yumaong actress ang makakapagbigay-buhay.
BULL Chit!
by Chit Ramos