MASAMA BA ang loob ni Jed Madela sa ASAP? Wala mang tinutukoy kung sino ang mga “monkeys” na tinatawag niya sa kanyang Facebook account posting, tipong gusto niyang tirahin ang mga taong tumutulong sa kanya.
Kasi ba naman, hindi yata siya kuntento sa nilalabasan niyang ASAP tuwing Sunday na nasa ika-19 years na sa pag-ere na nagbibigay ng saya sa mga manonood tuwing tanghali sa buong Pilipinas hanggang sa maabot ng TFC (The Filipino Chanel) sa buong mundo.
Binabasa namin ang mga tweets, Instagram at facebook accounts ng mga artista at celebrities. Hindi man nila kami followers, panaka-naka ay nasisipat namin ang mga postings nila ng mga photos at mga sentimiyento o kung ano man ang nararamdaman nila.
Sa kanyang FB last Sunday, Jed wrote: “Nothing’s changed. Same old sh**. (Read: shit). I’ll just smile and imagine I’m dealing with a bunch of monkeys.” Habang ng mga sandaling ‘yun, nasa ASAP siya just before the start of the show. Ang mga creative team ba ang pinapatukuyan ng singer?
Dahil sa kanyang posting, ang daming nag-react. Ang mga fans niya, inayunan ang posting ng magaling na singer.
Wala mang tinutukoy kung sino ang mga “monkeys” tila alam mo na ang tinirira niya ay ang mga tao na nagbubuo ng show tuwing Sunday. Ang alam ko si Mr. Deo Edrinal ang utak ng ASAP noon pa man na nagpasimula ng naging Sunday habit natin tuwing tanghali. Ang daming mga shows na kumalaban at sinabayan pero nauwi sa wala ang mga bumangga na kung susumahin, ‘di hamak naman na maganda ang konsepto ng ASAP kumpara sa iba na nagdala sa mga performers, lalo na ang mga singers natin para makilala sa ibang bansa. Bukod sa magandang exposure nila sa show, naging income generating para sa kanila ang paglabas nila sa ASAP.
With the show, marami sa kanila ang nakakakuha ng mga karaketan (shows and concerts) abroad dahil sa worldwide exposure nila. Sa dami ba naman nila, hindi naman siguro pupuwedeng aarya ka na lang kung ano ang gusto mong gawin sa show. But for us, while watching Jed perform sa concept production numbers nila ng mga kapwa singers, wala akong masasabi dahil kumpara sa Sunday show ng Kapuso Network, ‘di hamak na mas maganda ang exposure na nakukuha niya with ASAP.
Karugtong ng FB posting niya ay ang mensaheng: “Nakakawalang gana nga eh… Haaaayyy ganun ang “welcome back” na walang kwenta. Hahahahaha tawa na lang at gaguhan,” na kababalik lang niya from some show abroad.
Naalala ko rin noon na sa kanyang posting, binanatan din niya sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa social media account niya na ipinakita ang kalat ng iniwanang pagkain ng dalawa sa backstage ng Araneta Coliseum stating to the effect na walang manners ang dalawa.
Kung ako kay Jed at kung hindi na siya kuntento sa show, lipat na lang siya sa kabila. Pero ang totoong kagaguhan ay kung lilipat siya sa kabila tulad ng mga nauna sa kanya na mga kaibigang singers na ngayon ay waley nangyari sa kani-kanilang mga careers. Mabuti na lang nagkaroon ng magandang chance sina Mark Bautista at Rachelle Ann Go para umarya sa London.
Reyted K
By RK VillaCorta