NA-OFFEND AT hindi nagustuhan ng production staff ng ASAP 19 ang pagmamaldita ni Jed Madela last Sunday sa kanyang post habang umeere nang live ang programa.
Bagama’t ‘di pinangalanan ni Jed kung sino ang tinutukoy niya ay very obvious naman na he is referring to the Sunday musical show ng ABS-CBN na kung saan part na siya for many years.
Nag-i-expect ‘ata ng bonggang grand welcome si Jed from the show pero walang ganu’ng nangyari. Teka, para saan yung grand welcome? Hindi ko masyadong ma-get, ha?
Anyway, pinahahalagahan ng ASAP ang kontribusyon ni Jed at ang kakaiba niyang talento sa pagkanta but can’t he wait for his turn? Ang balita kasi namin, maraming events last Sunday sa ASAP like ‘yung album launch ni Ai-Ai delas Alas, birthday ni Enchong Dee, promo nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin para sa Flor de Liza, kaya walang Jed.
Isa pa, last Sunday kasi ay first time lang ulit mag-live ng ASAP after a month na nag-out of the country sila. Kumbaga, baka pang next Sunday pa ang ini-expect ni Jed, huh! Or maybe sa susunod pang Sunday. Pero paano ngayon ‘yan, na-hurt na ang mga taga-ASAP? Matuloy pa kaya ang gusto niyang mangyari?
By the way, ang post ni Jed sa kanyang Instagram account na ikinaloka ng taga-ASAP ay ang sinabi niyang he’s dealing with “monkeys” referring siyempre sa mga tao ng ASAP.
Naku, dapat sigurong mag-apologize ni Jed sa ginawa niya. Walang masamang maging humble all the time. After all, sabi nga ng marami, you don’t have to bite the hands that feed you.
True, Jed is a very talented singer pero kung hindi rin naman siya napasama sa mga singer sa ASAP ay hindi tataas nang bonggang-bongga ang kanyang market value lalo na sa abroad na merong TFC o The Filipino Channel.
Sana ay maging maayos ang lahat between Jed and ASAP.
La Boka
by Leo Bukas