KUMANTA SI ZSA ZSA Padilla ng divinely soothing rendition ng “I’d Really Love To See You Tonight” sa fifth-length studio album ni Kris Aquino entitled “My Heart’s Journey” ng Universal Records sa Annabel’s. Sinundan naman ni Christian Bautista sa awiting “Love Moves In Mysterious Way.” Umawit din sina Jed Madela ng “Beautiful In My Eyes” at si Gail Blanco rendition of “I Will Be Here.”
Papuri to the max ang sinabi ni Kris kay Christian bago ito magbigay ng kanyang solo number. Nagprisinta pa ang Queen of All Media na gusto niyang idirek ang binata sa isang music video. “Ang galing-galing mo talaga, lumakas tuloy ang sex appeal mo. Kasi, the voice is there and now the body,” sambit ni Kristeta.
Para kay Kris, as clear as an angel’s voice ang boses ni Jed. “’Pag nagdya-judge ako sa Pilipinas Got Talent, most of the time kapag nagta-try silang kumanta ng power ballad na ganoon parang sinasabi kong kailangan as clear as Jed Madela, pronounciation and diction. Perfect siyang kumanta talaga,” say ng TV host-actress. Kung naging single lang daw si Kris, pakakasalan niya si Jed, kaya lang tumanggi ito, pag-iisipan pa raw muna niya.
Anong feeling na pagkatapos ng heartbreak parang ayaw na niyang mu-ling umibig pa. “Ayaw ko na rin talaga. Naloka si Bianca Gonzales, I do the SNN interview. I think, ‘yung question niya prepared for that answer. Sabi ko, as of today, ayaw ko na talaga. Hindi kasi ako allow to talk about the annulment process but it’s really difficult. I took the stand and not allow to share what the best testimony was of course. But I took the stand almost three weeks ago. Pagkatapos nu’n, tinext ko si Ate Ballsy. I said, never again na talaga. You can keep it this text and show it to me again next time na may gusto akong ipakilala na, he’s the one. Sasabihin ko, Ate, ipakita mo sa akin para ipaalala na never again. As of April 5, never again.”
Knowing Kris, imposibleng hindi na siya muling iibig pa. “Kaya nga as of April 5, never again. Parang ano siguro, maraming masyadong masakit ang pinagdaanan ng couple na naghihiwalay. Ayaw mo talagang maulit ‘yun so, para hindi maulit, huwag ka na lang pakasal uli.”
Sa buhay pag-ibig ni Kris, nadaanan na niya ang broken road kaya nasa point of forgiveness ang understan-ding na siya ngayon. “Nasa redemption na. Feeling ko naman na-forgive ko na si James, na-forgive na niya ako, naka-move-on na siya at ako siguro. Pero ‘yung pagbangon muli parang maraming in me na kailangan kong piece by piece ayusin talaga,” say niya.
Hindi kaila sa ating madalas makitang kasama ni Kris sa mga lakaran si Diether Ocampo na i-nuugnay ngayon sa kanya. Kasama ba si Diet sa road of love niya? “No, we’re really super close. Honest, ngayon na nagpapa-annul ako, kung mayroon talagang namamagitan sa amin ni Diet, do you think we be hang- out to each other for all of you to see, hindi, ‘di ba ? Magtatago na lang kami sa bahay pero talagang friend na friend na friend ko siyang talaga. At alam niya, alam ko na hanggang du’n lang ‘yun.”
Ang ibig kayang sabihin ni Kris, never again to marriage or to fall in love? “Both as April 5, 2011. Usap uli tayo next year baka magbago. As of now, ayaw ko talaga, kasi masyadong ano. I’ll point it out, hindi sa nagse-self-pity ako, pero noong time na sinabihan ako na ang “The Price Is Right” will be once a week and then, the following day was the day na nag-healing ako, talagang lumabas ako ng kuwarto, Sunday na. Thursday ‘yung meeting sa management, Friday nag-healing ako, hindi ako lumabas until Sunday. ‘Yun, ganoon talaga, kaya nang tinatanong ninyo ako kung never again… kaya ko sinasabing never again,” aniya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield