MARAMI ANG naiintriga sa biglang pagpasok ni Jeff Luna sa mga pelikula ni Wenn Deramas. Kahit iniintriga at binibigyang-kulay ang maganda nilang samahan, ayaw na ni Direk Wenn mag-comment tungkol sa kanilang dalawa. Wala raw siyang dapat ipaliwanag. Gusto lang niyang tulungan si Jeff para makagawa ito ng mga matitinong pelikula na puwedeng nitong ipagmalaki at makilala siyang tunay na actor.
Seventeen years old nang magsimulang gumawa ng indie film si Jeff. Hindi na nga niya mabilang ang mga sexy films na nilabasan niya in the past. Kahit bold ang kanyang mga pelikula, hindi nito ikinahihiya. Bagkus, nagpapasalamat siya dahil nabigyan siya ng pagkakataong maging artista. Nang dahil sa indie movies, napaayos ko ang bahay namin sa Pampanga na sinira ng lahar. Kahit maliit lang ang TF na natatanggap ko, malaking tulong na rin ito para sa akin,” pasimula niya.
Ano ang reaction ni Jeff kapag inuugnay siya kay Direk Wenn? “Wala lang, ganyan naman talaga sa showbiz. Hindi maiiwasang maintriga ka, pero okay lang sa akin. Si Direk Wenn kasi ang tumutulong sa akin kaya ‘yun, iniintriga kami. Hindi ako apektado kung inuugnay ako kay Direk Wenn,” buweltang sagot ng actor.
Kahit first time nagpa-interview si Jeff, ramdam mo ang pagiging sincere nito. Hindi mo nga akalaing hubadero ang binata sa indie films na nilabasan niya. “First time lang kasi ako na-interview nang ganito. Lahat ng bold films na indie na ginawa ko, ako ang bida, walang press na nag-iinterbyu sa aming mga indie actor. Kapag natapos na ‘yung indie film, ipalalabas na lang, ganu’n lang. Hindi tulad ng gumawa ka ng mainstream na pelikula, may press conference, maraming press ang invited para interbyuhin ang artista. Hindi ako sanay mainterbyu pero okay lang, ganito pala ‘yun, para lang tayong nagkukuwentuhan,” pahayag niya.
Nang magsimulang gumawa ng bold film si Jeff, inamin ng actor na medyo naiilang siya lalo na kapag love scene sa kapwa lalaki ang kukunan. “Ganu’n naman talaga ang magiging first reaction mo. Isipin mo na lang ‘yung character na ginagampanan mo, ‘yun ang dapat mong gawin sa eksena kahit lalaki pa ang ka-love scene mo. Nu’ng una medyo awkward ako, pero later on nasanay na rin ako, trabaho ito na kailangan kong gawin. Hanggang dumating sa point na parang wala lang sa akin ang paghuhubad, walang malisya,” kuwento ng indie actor.
Ikinuwento sa amin ni Jeff na tinawagan siya ni Brillante Mendoza para i-cast sa indie film na gagawin nito na kukunan sa Pampanga. “Thankful ako kay Direk Brillante na naisipan niya akong i-cast sa indie film na gagawin niya. Nagkataon naman ‘yung schedule ng shooting niya, may shooting ako sa “Oh Mama Mia” kaya hindi ko ito tinanggap,” aniya.
Ngayong nasa mainstream na si Jeff, hindi na kaya siya tatanggap ng indie film? “Tatanggap pa rin ako dahil sa indie film ako nagsimula. Pero depende siguro sa project na i-offer nila sa akin. Walang masamang gumawa ng indie film, ‘yung iba ngang artista galing sa indie bago sumikat tulad ni Coco Martin. Marami rin siyang nagawang gay films bago siya napunta sa mainstream. Ngayon nga sikat na sikat na siya. Gusto kong ma-experience ang paggawa ng mainstream na pelikula. Feeling ko nga, para uli akong baguhan na nagsisimula,” pahayag ni Jeff Luna.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield