INTRODUCING sa pelikulang “Bubog” (Crystals) ni Direk Arlyn dela Cruz ang newbie actress na si Jemina Sy. Ang papel niya rito’y isang high class na drug pusher at police asset.
First movie ito ni Jemina na last March 30 ng umaga ay nagkaroon ng motorcade sa Davao City at kinagabihan ay nag-premiere naman sa SM City Lanang.
By profession ay isang lawyer si Ms. Jemina, pero aminado siya na first love ang acting.
Isa kang lawyer, pero bakit naisipan mong mag-artista? Esplika ng baguhang aktres, “It has always been my dream na maging actress at lumabas sa TV. It’s my first love.”
Ano ang preparation mo sa movie, nag-acting workshop ka ba? “Before, nag-singing workshop ako, pero acting hindi pa. But before the shoot, nag-practice lang ako ng acting with Kristofer King under the guidance of Direk Arlyn.”
Sinabi rin ng magandang lawyer/actress na napapanahon ang kanilang pelikulang “Bubog”.
“Our film is very timely, napapanahon siya sa kung ano ang aktuwal na nangyayari tungkol sa drugs ngayon sa ating bansa. Ipinakikita rito kung ano ang nangyayari ngayon sa ating lipunan gawa ng drugs. It also has social relevance, dahil ang isyu ng droga ay isang napakalaking isyu ngayon sa ating bansa at kapupulutan natin ng aral ang pelikula.”
Ano ang masasabi niya kay Direk Arlyn? “She is very professional at talented na director, magaling siyang mag-direk at inalalayan niya ako talaga rito.”
Ang Bubog ay mula sa Blank Pages Production at Asian Premier Resources Trading Corporation nina Andrea Cuya at Aya Sycon. Ito ay tinatampukan ng magaling na ensemble casts na kinabibilangan nina Ms. Elizabeth Oropesa, Julio Diaz, Juan Rodrigo, Jackie Lou Blanco, Allan Paule, Jak Roberto, Kiko Matos, Janice Jurado, Kristofer King, Chanel Latorre, Rommel Padilla, at iba pa.