TATLONG TAON nang kasal si Jenny Miller kay Cupid Feril pero hanggang ngayon ay wala pa silang anak.
Ayon kay Jenny nang pasyalan namin sa taping ng Pyra, Babaeng Apoy, nagka-miscarriage raw kasi siya kaya nagdesisyon silang mag-asawa na huwag ma-pressure sa pagkakaroon ng anak.
“Pero it doesn’t mean that we’ve stopped trying. Nandoon pa rin ang hope namin na makabuo, pero hindi na kami nai-stress about it. Who knows one day ay mabuntis na lang ako,” say ni Jenny na super seksi pa rin.
Tsika pa ni Jenny, handang-handa na raw siyang maging mother nang makunan siya. Nandoong inihanda na nila ang kuwarto nang unang magiging anak.
“Room pa lang ang inaayos namin at wala pa ang mga baby stuff. Tapos nga bigla akong nakunan. Hindi na namin muna itinuloy na tapusin ‘yung baby room. Baka lalo lang kasi akong madepress,” say pa ni Jenny.
Isa pa, sa nakikita ni Jenny kung bakit hindi pa sila magkaanak matapos na makunan sa kanilang first baby ay pareho silang busy mag-asawa.
“May business kasi ang mister ko. He has client na based sa ibang bansa. Paiba-iba ang working hours niya kasi tinutugma niya sa time zone ng bansa kung saan may client siya. Kaya sometimes he’s up all night at sa umaga siya natutulog.
“Ako naman, nagkasunud-sunod ang mga taping ko. Ngayon lang ako ulit nakabalik sa GMA-7. Two years akong nag-work sa TV5 at sa ABS-CBN. Bumalik ako sa Mundo Mo’y Akin at itong Pyra, Babaeng Apoy na ang ginagawa ko. Ang hirap ng ganitong sitwasyon, pero kapag natiyempo naman na pareho kaming off sa trabaho, we make the most of it. We either go out of town or magdi-date kami sa labas. Basta may time kami hindi na namin sinasayang ang mga pagkakataon na ‘yon,” paliwanag pa ni Jenny.
KUNG SUSUNDIN ang mga kagustuhan ni Robin Padilla para pumirma sa isang TV network ng kontrata matapos mag-expire ang contract niya sa ABS-CBN kamakailan, posibleng maipagkaloob ito ng TV5 sa actor.
Sinabi kasi ni Robin na pipirma lang siya sa isang TV network ng kontrata basta maibibigay sa kanya ng network ang gusto niyang gawing project. Masusunod ang gusto niya at hindi ‘yung bow lang siya ng bow sa project na ibibigay sa kanya.
Kung hindi kami nagkakamali, TV5, lang ang network na puwedeng magsugal sa gusto ng actor, lalo na ngayong open ang Kapatid Network sa pagkuha ng mga talent.
Lalong lumakas ang balitang magiging Kapatid na si Robin nang nakipag-meeting ang kanyang manager sa executive ng TV5. Wala namang magiging problema kung maging Kapatid ang actor dahil libre na siya at wala nang kontrata sa kahit saang TV network.
Alhough, puwede ring bumalik ng GMA-7 si Robin dahil naging maganda naman ang pagpapaalam niya nang matapos noon ang kanya kontrata.
Samantalang matatapos na ang entry movie ni Robin sa Metro Manila Film Festival na sinisimulan pa lang ang shooting ay nagkaroon na kaagad ng kontrobersiya ang isa sa producer ng movie laban sa isang editor ng entertainment tabloid.
Pero ayon sa ilang gumawa ng paraan na magkabati ang dalawa at maayos na lang para hindi na humantong sa demandahan ay okey na raw ang dalawa.
Samantalang nang makausap namin ang editor ng entertainment tabloid ay tahasang sinabi na hindi pa tapos ang nangyari sa kanila ng naturang producer kahit na nagkamay na raw sila sa isang lugar. Tuloy pa rin raw diumano ang pagdedemanda niya laban sa naturang producer.
Anyway, bukas ang pahina namin para sa magiging reaction ng producer sa sinabi ng editor ng tabloid na hindi pa raw sila totally nagkaayos.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo