HETO NA, ‘DAY! Lalong nagulo na ngayon ang isyung break-up nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Lumabas na kasi ang tell-all interview kay Jennylyn ng Yes! Magazine. Idinetalye ng kontrobersyal na aktres ang nangyari nu’ng nag-away sila ni Dennis na umabot na sa hiwalayan.
Nagkaroon nga ng bugbugan, pero bersyon pa lang ni Jennylyn ang nandu’n, kung saan ikinuwento nito kung paano sila nag-away na umabot sa sakitan.
Ang sama nga ng dating doon ni Dennis base sa kuwento ni Jennylyn na nasaktan nang husto sa ginawa ng dating ka-sintahan.
Kaya lang, kasabay nang paglabas ng kuwentong ito, lumabas naman ang Luis Manzano na inaming nagdi-date sila ni Jennylyn.
Aminado siyang noon pa man ay crush na niya ito at lalo raw niyang nagustuhan nang nag-classmate sila sa Jujitsu.
Ipinakilala na niya si Jennylyn sa Mommy niya, kay Gov. Vilma Santos at nagustuhan daw ito ng Mommy niya.
Hindi raw isyu sa kanya kung dalagang ina si Jennylyn at proud daw siya sa pagkatao nito.
O, ‘di ba? Ang haba ng hair ni Jennylyn at mabilis agad itong nag-entertain ng mga manliligaw.
Sabi naman ni Jennylyn, natutuwa siya sa pagiging gentleman ni Luis at nagpapasalamat ito sa pagi-ging honest nito.
Pero sa ngayon, ang sabi nito nasa healing process pa raw siya at hindi pa raw siya handang maka-paghanap ng ipapalit kay Dennis.
Ganu’n din ang pahayag ni Dennis nang nakausap ito ng Startalk. Hindi pa raw siya handa sa panibagong relasyon.
Sa trabaho, sa kanyang pamilya at sa anak daw nito siya naka-focus at saka na raw ang lovelife.
Ayaw na ring sagutin pa ni Dennis ang mga rebelasyon ni Jennylyn na lumabas sa Yes! Magazine.
Sabi na lang ng aktor, “Bahala na sila kung ano ang gusto nilang isipin, Pero tapos na ‘yun.”
Hay naku! Nakakaloka na ngayon ang drama ng mga break-up ng mga artista na iyan. Kung hindi nagsasakitan, nagdedemandahan.
GUSTO KO NGA palang purihin si Sen. Manny Villar dahil patuloy pa rin ang mga projects niya na tumutulong sa mga mahihirap.
Kamakailan lang ay itinatag ng Villar Foundation ni Sen. Manny Villar ang SIPAG Center sa may Las Piñas, kung saan dito ay magkakaroon ng malawak na reference center ng mga aklat at babasahin tungkol sa paglaban sa kahirapan, pagnenegosyo, at gabay pang-kabuhayan. Dito rin makikita ang memorabilia ni Sen. Manny Villar.
Sabi pa ni Mrs. Villar na managing director nito, “Magkakaroon din tayo ng mga pagsasanay sa Villar SIPAG Center para madagdagan ang mga nakikinabang sa mga livelihood skills program na ipinapatupad na sa kasalukuyan.”
Ang ibig sabihin pala ng SIPAG Center ay Social Institute for Poverty Alleviation and Governance.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis