BLIND ITEM: NAKAKAAWA naman ang isang dating sexy actress. Dating napakasikat, ngayon, ‘yung P8.5M worth ng house and lot niya, ibinenta na lang niya ng P400,000.
Ba’t kaya gano’n kababa? Kung nalaman lang namin ‘yon, baka kami na ang nakabili no’n. Kaso, me istorya pala sa likod ng halagang ‘yon.
Nag-loan pala itong si aktres, hanggang sa nagkapatung-patong na ang interes sa bangko, maging sa tao. At dahil hindi nababayaran, ibinenta na lamang nito ang bahay at ‘yun mismong bumili ang nagbayad ng utang ng aktres sa bangko.
Sa ngayon, umuupa na lamang daw si aktres kasama ang mga anak nito at hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang aktres, dahil kung anik-anik pa rin ang “tinitira” nitong droga.
Kawawa naman, if this is true. Kaya isang “wake up call” ito para sa mga artista.
Mag-ipon. ‘Wag mabuhay nang parang wala nang bukas.
Magpakumbaba. ‘Wag mayabang. ‘Wag hambog. ‘Wag feeling kaya ang lahat. ‘Wag feeling you can get away with anything.
Maging mabait sa grasya. ‘Wag abusuhin ang biyaya ng Panginoon. Porke marami kang pera at feeling mo, ang dami pang darating na pera sa ‘yo, kung anu-anong bisyo ang mine-maintain mo.
Ayan, tingnan n’yo ang nangyari sa aktres na ito. Kahit binigyan pa ng chance ng ibang network, waley na rin. Sakit pa rin daw ng ulo sa set at “feeling sikat” pa rin kahit hindi na.
Kawawa naman.
NAKAKUHA KAMI NG kopya ng demandang libel sa amin ni Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.
Idinawit na rin kami sa demandang libel niya kay Aiko Melendez, dahil nabanggit ang name namin doon na kami raw ang “promotor” sa pagsira ng kanyang reputasyon.
Kahit siguro hindi kami abogado, o kahit makita pa ng ibang abogado ang kanilang kaso, parang ang hirap yatang i-prove sa korte no’n.
Binanggit lang ang name namin, pati kami, nadawit na?
Juice ko, kahit nu’ng pakikipagrelasyon ni Aiko kina Jomari Yllana at Martin Jickain, hindi kami nakikialam. Hindi kami nakikisawsaw, dahil unang-una, mahirap sumawsaw sa away ng mag-asawa, lalo na’t hindi ka naman kasama sa bahay nila.
Saka may mga anak na rin kami, kaya ba’t kami pa ang magpapalala ng sitwasyon? Siyempre, dahil may anak kami, iisipin din namin ang mga anak nila kay Aiko na siyang direktang maaapektuhan.
Kaya nga kung minsan, naiinis si Aiko sa amin lalo na ‘pag pinapangaralan namin siyang tumahimik, ‘wag magsasa-lita at ‘wag gaganti, dahil ‘pag gumanti ka, ibig lang sabihin, nakalimutan mong may Diyos.
Aba, kahit kina Jomari at Martin Jickain n’yo pa itanong, never namin silang siniraan kung kani-kanino o tinira sa aming mga sinusulatan.
Hindi naman kami ‘yung tipo ng reporter na kung sino unang nagkuwento, du’n kami kakampi at hindi na hihingin ang panig ng kabilang kampo.
Dahil lagi naming iniisip, mabuti nang maging peacemaker kesa maging troublemaker. Tama?
Tamaaa!
Ako pa rin daw ang sumagot, o!
ANG DAMING NAGTU-TWEET sa amin kung gaano katotoo na sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado na.
Kami, feeling namin, kahit hindi namin itanong kay Luis, feeling namin, sila na nga or kung hindi man, baka nasa “dating stage” na sila.
Hindi kami mapanghimasok sa lovelife ni Luis kahit gaano pa kami ka-close. Saka ‘yung tipo ni Luis na matalino, madiskarte sa buhay, hindi ka nag-aalalang baka gaga siya o tarantado pagdating sa babae, dahil wala siyang gano’ng record sa amin.
Hindi na rin namin naitanong kay Luis kung totoong nag-grocery sila sa S&R o nagbakasyon sila sa Boracay. Lahat ‘yon, sa twitter itinatanong sa amin.
Hindi lang talaga malakas ang loob naming magtanong kay Luis, dahil malulungkot lang din kami kung magsisinu-ngaling siya sa amin. Kaya ‘wag na lang.
Malaki na si Luis, kayang-kaya na niya ‘yan.
Nga pala, paki-like naman ang aming facebook fanpage sa http://www.facebook.com/profile.php?id=100000597724209#!/pages/The-Ogie-Diaz/139216656152101 at puwede n’yo rin kaming i-follow sa twitter: @ogiediaz at sa www.ogiediaz.blogspot.com
Oh My G!
by Ogie Diaz