NAGKITA AT nagkaharap sina Jennylyn Mercado at Carlene Aguilar sa talkshow ng GMA-7 last Sunday. Walang nangyaring isnaban dahil nag-usap at nagkatawanan pa ang dalawa na ex-girlfriends ni Dennis Trillo.
Maganda pa sa pagkikita ng dalawa, magkasundo rin ang kani-kanilang anak kay Dennis na sina Calix (anak ni Dennis kay Carlene) at AJ (anak ni Dennis kay Jennylyn).
Nagpakuha pa ng larawan ang dalawang bata na magkasama at nagtatawanan. Maging sina Jen at Carlene ay nagtatawanan lalo na kapag naalala nila ang naging karanasan nila kay Dennis. Pareho na kasing nakapag-move on sina Jen at Carlene kaya balewala na sa kanilang pag-usapan ang kanilang nakaraan kay Dennis.
Si Jennylyn ay masaya na kay Luis Manzano, samantalang si Carlene ay may Yo Ocampo naman, at si Dennis ay masaya na rin kay Bianca King.
Wala rin daw problema kina Jen at Carlene kung pagsamahin silang tatlo (Jen, Carlene at Dennis) sa isang pelikula or teleserye. As long as okey at tama ang role na gagampanan nila.
PLEASE LANG tigilan na ng mga taong nakapaligid kay Batangas Gov.Vilma Santos na posibleng maging Pa-ngulo ng bansa ang Star For All Seasons.
Tama na ang paglilingkod nito bilang gobernadora ng Batangas dahil in fairness kay Gov. Vilma, napaganda at naging maayos ang Batangas magmula nang manungkulan siya rito bilang mayor ng Lipa hanggang maging gobernadora.
Huwag nang mag-ilusyon ang mga nakapaligid kay Gov. Vi na magiging pangulo ito ng bansa.
Kahit senadora ay 50-50 ang chance nitong manalo. Dapat ay mag-concentrate na lang sa paglilingkod sa Batangas si Ate Vi.
May one term pa siya para tumakbong gobernadora ng Batangas. At dahil matunog naman ang pangalan ng anak nila ni Edu Manzano na si Luis Manzano sa Batangas, dapat nang turuan or paghandaan nilang maglingkod ito bilang mayor sa Lipa.
Walang duda naman na mananalo si Luis dahil nasubukan na si Gov. Vi nang mahalal na mayor ng Lipa na totoong nag-lingkod at naging tapat sa kanyang tungkulin.
Sa ngayon, dapat nang paghandaan ni Luis ang pagpasok na rin nito sa pulitika dahil sa ayaw at gusto niya ay nakaakibat na rin sa kanyang balikat ang paglilingkod sa mamamayan ng Batangas.
ANG LAGUNA ang magiging destinasyon ng 25 candidates ng Miss World Philippines 2012, dahil sa press presentation nina Governor E.R. Ejercito at MWP franchise holder na si Miss Cory Quirino.
Gusto ni Gov.E.R, na pasikatin at gawing number one ang Laguna dahil pagkatapos ng contract signing ay ipinalabas ang music video ng Laguna, kung saan ang bida at umaawit ng theme song na sinulat ni Marizen Soriano at idinirek ni Louie Ignacio ay si Pagsanjan Mayor Maita Sanchez, may-bahay ni Gov.E.R.
Sabi ni Gov., malaki raw ang maitutulong ng MWP para ma-showcase ang magagandang Lugar sa Laguna.
Samantala, tungkol naman sa movie niyang El Presidente, naitsika ni Gov. na nag-resume na sila ng shooting at si Cristine Reyes na ang gaganap na isa sa mga asawa ni Gov. E.R. maliban kay Miss Nora Aunor.
Klinaro ni Gov. na ‘di totoong tinanggal na si Ate Guy sa role at lalong walang katotohanan na si Cristine ang naging kapalit ng Superstar.
Aware din si Gov. na may isyu kay Cristine at sa ate nitong si Ara Mina. Pero naniniwala si Gov. na hindi maaapektuhan ang pelikula dahil mas naniniwala siya sa galing umarte ni Cristine.
Itinanggi rin ni Gov. E.R. ang ispekulasyong babawasan ang eksena ni Ate Guy para mas magkaroon ng maraming exposure si Cristine.
Sabi ni Gov., kung ano ang nakunang eksena ng Superstar ay hindi na ito gagalawin. Katunayan, may additional two days na shooting pa si Ms. Nora pagbalik nito galing ng Tate.
Maliban kay Cristine, posible ring makasama si Cesar Montano sa cast sa role na Andres Bonifacio.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo