WALA RAW date si Jennylyn Mercado ngayong Valentine’s Day. Pero okey lang naman daw sa kanya dahil puwede naman daw niya itong i-celebrate with her family.
“At saka may trabaho kasi,” aniya. “Magtatrabaho ako sa Valentine’s Day. May show ako sa Cabanatuan. Puro sa work muna ang focus ko.”
Matapos silang mag-break ni Luis Manzano, nananatiling sarado pa rin ang puso niya para mag-entertain ng suitors or to go dating? “Wala pa ngayon. Ayoko muna. Kasi… masyado pang maaga. Oo. At saka nandiyan naman ang family ko. So, okey lang. Okey naman ako. Basta ang importante ay buo ‘yong pamilya ko. Masaya kami… malusog. Okey na ‘yon!
“Sa akin naman, lahat ng mga pinagdadaanan ko talaga, parang… hindi naman natin pagdaraanan ‘yon kung hindi natin kaya, ‘di ba?”
Zero man ang kanyang lovelife ngayon, inspired pa rin daw sa kanyang trabaho si Jennylyn Mercado. Ito ay dahil sa magandang review at feedback sa bawat umeereng episode ng Rhodora X, ang bagong seryeng pinagbibidahan niya sa GMA 7.
“I feel so blessed. I’m grateful para sa mga walang sawang sumusuporta at talagang nanonood. At sana huwag silang bibitaw hanggang sa pagtatapos.”
Mahirap ang role ni Jennylyn bilang mabait at simpleng babaeng si Rhodora na nagsi-shift ang katauhan bilang si Roxanne na may pagka-baliw naman. At natutuwa raw siya na nagti-trending lately ang portrayal niya nito.
“Marami siguro ang naninibago. Kasi dati, parating ang character ko ay inaapi at mabait. ‘Yong role ko as Roxanne, bago sa paningin ng tao. So, I think natutuwa sila na iba naman ‘yong ginagawa ko sa screen, ‘di ba?”
Nahihirapan ba siya during taping sa switching ng kanyang character as Rhodora to Roxanne?
“Nasanay na rin. Noong una, talaga mahirap. Kasi hindi naman gawain ng normal na tao ‘yon, ‘di ba? So, noong una, nag-a-adjust talaga ako. And parang… naku, kaya ko ba? Kasi parang hindi ko kaya. Pero sa tulong naman ng mga tao sa paligid ko, at saka ng director namin, kinaya naman.
“At magugulat ang lahat dahil… pabaliw nang pabaliw kapag nagiging si Roxanne si Rhodora. Pagulo nang pagulo ‘yong utak ni Roxanne. Pero tingnan natin kung makakaya niya si Rhodora.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan