Jennylyn Mercado, babanggain ang BF na si Luis Manzano

NGAYONG AUGUST 26 na ang airing ng bagong reality show ng GMA-7 na Anak Ko ‘Yan! Hosted by Jennylyn Mercado. At aminado ang aktres na kinakabahan siya.

“Kasi first time ko sa isang reality show na ako lang mag-isa ang host. Tapos ako rin ang judge,” aniya nga. “Kaya medyo nakaka-pressure. May kaba talaga. Pero nakakatuwa rin. Kasi nakikita mo ‘yong suporta ng mga magulang sa pangarap ng mga anak nila.

“At makikita mo ‘yong mga labanan hindi lang ng mga anak kundi ng mga magulang. Very interesting at exciting. kasi nakakatuwa silang panoorin na nagkakagulo Roon. Hindi nila alam ang gagawin nila.

“’Yong iba, gusto nila nasa harap ang mga anak nila. ‘Yong gano’n? Na… ay, labanan talaga ito ng mga mother!” sabay tawang kuwento pa ni Jennylyn.

Nakaka-relate ba siya sa mga contestant na mom na merong talented na anak?

“Kasi medyo malalaki na ‘yong mga kids na kasali sa show, eh. Ang pinakabata namin is eight or seven years old. Tapos ang pinakamatanda namin… seventeen. So medyo kakaiba. Iba pa, eh. Iba kasi ‘yong attitude na medyo malalaki na talaga.”

Pero dahil sa nasabing programa niyang ‘yon, naiintindihan na niya ngayon ‘yong mga nanay na nagiging stage mom?

“Kasi no’ng panahon ko na bago pa lang akong nag-aartista, gano’n din sa akin ‘yong nanay ko, eh. Pero hindi gano’n ka-grabe. Si mama naman, controlled ‘yong  pagiging supportive niya. Hindi ‘yong… lumalagpas na sa limitasyon.”

Sa umaga ang timeslot ng show niyang Anak Ko ‘Yan. Makakatapat nito ang programa naman ng boyfriend niyang si Luis Manzano sa ABS-CBN na Minute To Win It. Anong pakiramdam ni Jennylyn sa tapatan ng show nila ni Luis?

“Ang laking ano sa akin nito… talagang pressure to the highest level! Kasi si Luis, napakagaling na host niyan. At saka na-established na niya talaga ‘yong sarili niya. ‘Yong show niya.”

Hindi naman kaya na-threaten si Luis sa kanya?

“Hindi, ‘noh? Hindi!” sabay ngiti ulit ni Jennylyn. “Kung ako ang nasa posisyon niya, hindi na ako mati-threaten! Hahaha! Hindi na ako mati-threaten sa kahit na sinong lalabas pa diyan. Na… okey na ako. Kasi na-established na nga niya ang sarili niya.”

Pero napag-usapan nila ang pagtatapat ng kani-kanilang shows?

“Oo naman. Okey lang. Very supportive naman ‘yon. Wala namang problema sa amin.”

Hindi ba siya binibiro ni Luis hinggil dito?

“Binibiro. Like… ‘di ba nag-post nga kami sa Instagram tapos nag-comment siya sa akin na parang… bilang pinagtapat ng management ang mga shows namin, ia-unfollow na muna namin ang isa’t isa! Hahaha! Hindi na muna kami mag-uusap hanggang matapos ang show. Parang gano’n! Hahaha! Pero biruan lang naman ‘yon.”

Ano naman ang mga advice na ibinibigay sa kanya ni Luis bilang beterano na sa larangan ng paghu-host.

“Parati akong tumatawag sa kanya tuwing nagkakaroon ako ng mga… siyempre, hindi naman ako pumasok sa pag-aartista para maging isang host, eh. Mas comfortable pa rin ako sa singing at saka sa acting. May mga time na parang… hindi ko ma-memorize ‘yong mga kailangan kong i-memorize. Tapos ang hirap ding umadlib. ‘Yong mga ganyan.

“So, humihingi ako sa kanya ng mga tips tungkol sa kung paano ko ba matatandaan ‘yong mga bagay na dapat kong tandaan. So, madami, eh. Sa kanya ko ibinibigay lahat no’ng reklamo ko. At saka ‘yong mga problema ko sa buhay pagdating sa trabaho,” muling nangiting sabi pa ni Jennylyn.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleKylie Padilla, dismayado sa pagkawala ng project sa Siyete
Next articleGretchen Barretto, sinukuan na si Claudine Barretto para maisalba ang sarili

No posts to display