ISA RAW sa qualification para masilo ang puso ni Jennylyn Mercado ng mga lalaking nagkakagusto sa kanya at nagbabalak manligaw ay ang tanggapin ang kanyang anak kay Patrick Garcia na si Jazz.
Ayon nga kay Jennylyn nang makausap namin sa presscon ng kanyang bagong endorsement na ZH&K Mobile last Aug. 8 sa Annabel’s, Tomas Morato, Quezon City, “Actually sa ngayon hindi talaga ako nag-e-entertain ng manliligaw. Hindi pa kasi ako handa! ‘Wag muna.”
May mga nagti-text nga raw at nagpaparamdam kay Jennylyn, pero no time for love daw ito sa ngayon. “May nagti-text text , may tumatawag-tawag at nagpapa-cute… pero sinasabi ko naman sa kanila straight forward na hindi pa talaga ako handa at alam ko na naiintindihan naman nila.
“Tsaka siguro if ever na ready na ako, kailangan kung sino man ‘yung manliligaw sa akin dapat tanggapin nila kung ano ako, kung anong meron ako ngayon, dapat tanggapin nila ‘yun. At dapat tanggapin nila ‘yung pamilya ko, ‘yun ‘yung mahalaga sa akin. Package ‘yun, packaged deal!
“Alam ko rin naman na alam nila na bago sila manligaw, alam nila ‘yung sitwasyon ko, mahirap pero dapat tanggap nila. Pero sa ngayon kasi, hindi kasi lovelife ‘yung priority ko, mas marami pa akong priority sa buhay at hindi kasama ang lovelife du’n. Mas maganda kasi if naka-focus muna ako sa anak ko, sa pamilya ko at sa trabaho ko.
“Like ngayon masuwerte ako kasi sunud-sunod ang trabaho ko. Maraming endorsements ang dumarating like ito ngang ZH&K na after ng pictorial namin kanina, direcho na ako rito sa presscon. Thankful ako sa may ari ng ZH&K, kasi sa dami ng mga artista ngayon, pinagkatiwalaan nila akong maging endorser ng kanilang produkto, together with Manny Pacquiao,” pagtatapos ng magandang actress/host.
JAMPACKED ANG katatapos na konsiyerto ng newest at dapat abangang banda na After Four na ginanap sa Teatrino Greenhills last Aug. 8, kung saan kasama naming nanood ang Master Showman himself na si Kuya Germs Moreno.
Mismong ang Master Showman ang nagbulong sa amin na napakahusay ng banda na sinamahan pa ng mahuhusay na singers bilang espesyal na panuhin mula kay Isabel Granada, ang pagbabalik sa pag awit ni Lilet na maganda pa rin ngayon at halos hindi nagbago at maganda pa rin ang tinig.
Umawit din at naging espesyal na panauhin bukod kina Lilet at Isabel ang balladeer/host na si Richard Reynoso, Bea Binene, Princess Velasco, at Loyd Umali.
NAGING MATAGUMPAY at dinumog ng maraming tao ang katatapos na United Fashion Show na hatid ng Cardams , Mario ‘D Bor at Liberte at sa pakikipagtulungan ng Unisilvertime, at Royqueen.
Rumampa ang ilang top mannequins sa bansa at ang mga sikat na DJ at celebrity endorsers na sina Kim Rodriguez, Aaron Villaflor, Richard Poon at Gretchen Ho suot ang magagarang sapatos na gawa ng Cardams, Mario D Boro at Liberte.
Habang ang group endorser ng Cardams, ang Internet Sensation na UPGRADE na kinabibilangan nina KCee Martinez, Armond Bernas, Raymond Tay, Ron Galang, Miggy San Pablo, Rhem Enjavi, at Mark Baracael ay nagbigay ng dalawang awitin.
John’s Point
by John Fontanilla