MAS MASAYA ngayon si Jennylyn Mercado bilang single mother dahil mas magaan daw ang buhay niya na walang ibang taong pumapagitna sa kanyang career at pamilya.
Matapos kasi ang break-up nila ni Luis Manzano ay mas lalong nabigyan ng atensyon ng actress ang kanyang trabaho, pamilya, anak at mga kaibigan.
Kaysa magmukmok dahil sa dinanas na break-up, kaagad nag-move on si Jen at ngayon ay nakatutok siya sa kanyang bagong serye sa GMA 7 na Rhodora X. Kung nagkataon raw na mayroon siyang lovelife, baka hindi niya naibigay ang best niya sa character sa serye dahil mahahati pa ang kanyang atensyon.
Patunay na nakapag-move on na nga ang actress ay mas gumanda at lalong sumeksi ito. Ang dibdib ay umaalsa na parang gustong bumuluga.
Ask tuloy ng mga press na nakapansin ng kanyang kaseksihan ay kung pinaretoke ba niya ang dibdib?
“Naka-sports bra lang po ako kaya umalsa, hahaha!” sagot ni Jen.
Aside sa sports bra na suot, regular na uli ang kanyang pagdyi-gym at training sa triathlon kaya hindi nagbabago ang porma ng katawan.
Samantala, ikinagulat ni Jen ang naglabasan na textmate raw niya ngayon ang ex-boyfriend na si Dennis Trillo. Nagkikita lang daw sila ni Dennis sa Sunday All Stars kapag guest ang actor.
“Walang akong binabalikan na ex, remember?” aniya na nakangiti
Sa ngayon, talagang career ang tinututukan ni Jen at ayaw niya munang mag-entertain ng manliligaw. Hindi raw niya type ngayon na magkaroon ng istorbo sa kanyang showbiz career.
ANG TINAMAAN nang matinding lamig ngayon sa buong mundo ay ang bansang Canada at United States of America partikular ang midstates dahil doon dumaraan ang sobrang lamig dulot ng tinatawag na polar vortex. Ito ‘yung matinding arctic cyclone na nanggagaling sa North Pole.
Dalawang local actress na based sa New York City ang nagparating sa amin sa pamamagitan ng Facebook, sina Dindi Gallardo-Mills at Beth Tamayo.
Matapos kasing iwanan nina Beth at Dindi ang showbiz, nanirahan na sila at nagtrabaho sa Big Apple.
Ayon kay Beth, nahihirapan na raw siya sa sobrang lamig ng klima dahil mahina nga raw ang kanyang katawan sa lamig. Pero wala naman daw siyang magawa kundi labanan ito at magdasal na matapos na ang winter season.
“Grabe ang salubong ng New Year dito kasi sobrang lamig! So far I am doing okay naman. Sobrang layering ang ginagawa ko. Kapag sinabing bundle-up, aba’y para talaga kaming binalot na suman.
“Lahat ng exposed parts mo gusto mong takpan. Some people na nakakasalubong k,o naka-face mask na nga, eh. First time ko itong naranasan. Aside from the facts na winter dito kaya talagang malamig na to start with. Mas grabe lang talaga ‘yung lamig kasi may malakas na hangin pang kasabay.
“Wala naman talaga kaming magagawa because it’s winter season. Konting months na lang naman at spring na so we are looking forward to that, or you can say, we can’t wait for that!”
Si Dindi, sa tagal na nanirahan sa America ay nasanay na sa lamig kapag winter season. Pero kakaiba raw talaga ngayon ang lamig dulot ng polar vortex.
“Grabe ang lamig! Suko na ako! I’ve experienced -18F almost 10 years ago, pero this one was only -10 but arctic. But we are all getting by okey. Just as long na we all stay warm inside our homes, everything will be fine. But of course we are praying for warm weather to come soon.”
Ayon pa kay Dindi, mabuti na lang daw sa New York City din based ang kanyang buong pamilya kaya mabilis silang nagkakausap.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo