Parang naninindak pa ang paraan at tono ng pananalita ni Jennilyn Mercado nu’ng sabihin niya sa isang talk show na tutuluyan na niyang idedemanda ang Pinoy Parazzi na naglabas ng photos ng binyag ng kanyang anak kay Patrick Garcia nu’ng Sabado sa Christ The King sa Greenmeadows.
Nagtataka si Jen kumbakit ‘andu’n ang crew ng The Buzz at photographer ng Parazzi samantalang hindi naman daw siya nag-imbita ng press, dahil gusto niyang manatiling pribado ang binyagan ng kanyang anak.
Okay lang ‘yon. Tama si Jen. Ayaw niyang maging perya ang kanyang anak. Baka nga mali talaga ang Pinoy Parazzi at ang The Buzz sa kanilang inasal nu’ng umagang ‘yon.
Pero ang ikinalokah lang namin, ang naturang binyagan ay makikita ang mga larawan at mababasa ang mga detalye kapag ikaw ay bumili ng ilalabas na coffetable book ni Jennilyn Mercado.
Kasi, nandu’n ang kanyang pagbubuntis, ang kanyang pagle-labor (o baka pati ang aktuwal na panganganak), ang happy and bonding moments nilang mag-ina at ang binyag ni Alex Jazz.
So, ang ipinagtataka namin: kelan pa naging pribado ang isang bagay kung hahayaan mo rin pala itong makita ng publiko?
So, ang galit pala ni Jennilyn ay dahil hindi niya “na-exclusive” ang coverage ng binyag ng anak niya, gano’n ba? Na wala nang thrill na mararamdaman ang bibili ng kanyang coffetable book, dahil una nang nakita sa tabloid ang mga larawan?
Ayaw naming isiping ginagamit ni Jen ang kanyang anak para bumenta ang kanyang coffeetable book. Ayaw naming isiping nakalimutan na ni Jen na siya’y artista at talagang malalaman at malalaman ng media ang interesante sa kanyang buhay.
Higit sa lahat, ayaw naming isiping hindi alam ni Jen ang meaning ng salitang “privacy.” At kung interesado si Jen na malaman ang meaning ng “privacy,” heto…
“A place of seclusion from company or observation; retreat; solitude; retirement.”
“Concealment of what is said or done.”
“A private matter; a secret.”
“The quality of being secluded from the presence or view of others”
“The condition of being concealed or hidden.”
Wala namang nakalagay sa meaning ng “privacy” na private pa ring matatawag kung makikita ng publiko sa coffetable book ang isang pinakatago-tagong okasyon.
HAHAHA! NAKAKATAWA SI Vice Ganda. Sobrang inosente pa sa showbiz. Tumawag siya sa amin, kasi nga, nakorner daw siya ng mga reporter kung ano’ng comment niya kay Rustom Padilla ngayong BB Gandanghari na ang pangalan nito.
“Juice ko, baka magalit sa akin ‘yon,” pag-aalala ni Vice.
Wala namang masamang sinabi ang fashionista ring si Vice.
Nag-comment lang siya sa pananamit nito at hindi lang niya gustong “pinatay” nito ang pangalang Rustom Padilla.
“Alam mo ba, Ogs, crush na crush ko ‘yang si Rustom nu’ng hindi pa siya umaamin. Okay lang sana ‘yung umamin siya na bading siya, pero sana, hindi na siya nagbihis-babae, ‘di ba?’
That’s your opinion.
“At ‘yung isa pa, tinanong ako ng mga reporter, since kasali ako sa movie ni Ate Vi, Vilmanian daw ba ako? Sabi ko, hindi. Kasi, nu’ng araw sa amin, lahat ng taong nakapaligid sa akin, puro Noranian. So, nakigaya na rin ako. Pero hindi ako ‘yung fanatic na pupuntahan si Nora kahit saan. Hanggang salita lang.
“Pero sabi ko, it’s an honor for me na makasama sa project ni Ate Vi. Malaking artista ‘yan at bihirang gumawa ng movie, ‘no! Vilma is Vilma, mama, ‘di ba?
“Kaso, nalokah ako sa mga reporter. Parang nananakot na baka raw magalit sa akin si Ate Vi! Juice ko, ano ba ‘yan?”
Hahaha! Na-tense tuloy si Vice. Pero in-assure namin ang number one stand-up comedian na wala siyang dapat alalahanin, dahil sa tagal na sa industriyang ito ni Ate Vi, “katsipan” kung magdadamdam ito kung naging Noranian ka.
“Pero hintayin mong makilala si Ate Vi kung gaano kabait, mare,” sey naman namin kay Vice, “Magiging Vilmanian ka, promise!”
“Malay mo, sorpresahin ka ni Ate Vi. Bigla siyang mag-watch ng Valentine show mo sa Feb. 13 or 14 sa Metro Bar, ‘di ba?”
“Naku, napakaimposible naman no’n, Ogs! Busy si Ate Vi para tapunan pa niya ‘ko ng precious time niya, ‘no! Ako na lang ang pupunta sa Batangas para aliwin si Ate Vi!”
Oh My G!
by Ogie Diaz